PAREHONG patay at duguan ang dalawang magkumare at magkumpare, ng matagpuan ito sa loob ng kuwarto na tadtad ng saksak sa katawan dakong alas kuwatro ng hapon sa Zone 7, Biak-na-bato St., Bgy Tabuco sa lungsod ng Naga.
Kinilala ang mga biktima na sina Rowena Rodriquez, 35-anyos at Ruben Andes, 33-anyos, binata, parehong residente ng naturang lugar.
Samantalang nakakatakas naman ang suspek na nakilalang si Jaime Moreno, dating live-in partner ng biktimang babae at residente rin ng naturang lugar.
Sa imbestigasyon ni PO2 Jufre Ruz, imbestigador ng Precinct 2 ng Naga City Police Office, selos ang isa sa mabigat na dahilan kung bakit nagawa ng suspek ang pagpaslang sa dalawa.
Ipinahayag pa ng imbestigador na dati pa umanong may hindi napagkakasunduan ang babae at suspek.
Bago nangyari ang pananaksak, nagkaroon umano ng okasyon sa bahay ng babae at kainuman ang kumpare nitong si Ruben at iba pang mga kasambahay, subalit ng makatulog umano ang mga biktima sa kuwarto saka bigla namang dumating ang suspek at pinag-undayan ng saksak ang dalawa at nagtamo ng apat na tama sa katawan ang bawat isa. - RMN News
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=32059.0