Press Release
63 BARANGAY NG NORTH COTABATO OPISYAL NANG NASA ILALIM NA NANG PAMAMAHALA NG BARMM-MILG.
Cotabato City (December 15, 2020)
Suportado ni Cotabato Governor Nancy Catamco ang desisyon ng National Government na tuparin ang kahilingan ng Bangsa Moro Transition Authority (BTA) na ipaubaya na sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o (BARMM) Ministry of Interior and Local Government (MILG) ang 63 Barangays ng Probinsya ng North Cotabato at ang Cotabato City.
Ang Kalihim ng Department of Interior and Local Government Eduardo Año ang nanguna sa turn over kanina. Kasama niya sina Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, Police Major General Debold Sinas at ang bagong Philippine National Police Chief, Western Mindanao Commander Major General Corleto Vinluan Jr.. Dumalo rin bilang kinatawan ni North Cotabato Provincial Governor Nancy Catamco si Provincial Administrator Efren Piñol.
Ipinaliwanag ni Minister Mohagher Iqbal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE-BARMM), na ang aktibidad ay sumusunod sa probisyon ng pagpapatupad ng Republic Act 11054 o ang Bangsamoro Organic Law (BOL).
Sa panig ni BARMM Executive Secretary AbdulRauf Macacua, ang desisyon ng mamamayan sa ginawang plebisito ay naghayag ng malaking kagustuhan sa pagbabago. "The majority of the votes casted favors the inclusion and a call to initiate change.”, aniya.
Kasama rin ni Secretary Año si DILG 12 Regional Director Josephine Leysa, na kabilang sa naging testigo sa turn-over.
Nililinaw ng kalihim ng DILG na ang turn over ay naghuhudyat na ang katungkulan kaugnay sa promosyon at pagtiyak ng kahusayan, kapayapaan, proteksyon sa publiko, pagpapalakas ng kakakayanan ng lokal na pamahalaan ay nasa pamamahala na ng BARMM-MILG.
Binigyan diin pa ni Macacua, na hindi naging madali sa kanilang pamunuan ang maabot ang makasaysayang araw, subalit natupad ito at inaasahang mapahusay pa sa mga darating na henerasyon. "We must thank the leadership of President Duterte who made this turn-over possible," ayon pa sa Kalihim.
Pinuri at nagbigay pugay si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa buong Kawani ng BARMM sa pamumuno ni BARMM Chief Minister Al-Hajj Murad Ebrahim, sa kinahinatnan ng pagkilos upang maisulong ang mithing pagbabago. Subalit, ayon kay Lorenzana, mas malaking hamon ang pagtutok sa paraan kung papaano ito ipapatupad, maging epektibo sa paghahatid ng serbisyo, at matiyak na matamasa ito ng mga mamamayan.
Una nang nagharap sina BARMM Administrator Board Member Mohammed Kelly Antao, LMT Chairman and Coordinator Jabib Guibar, at Governor Nancy Catamco upang mag-usap patungkol sa magiging direksyon ng transisyon at pamamahala ng 63 Barangays.
Hiniling ng pamunuan ni BM Antao sa Gobernador ang patuloy na suporta para sa mga Barangay habang inaasikaso pa ang struktura nito.
Sa panig ng Gobernador, sinabi nito na magpapatuloy ang Probinsya sa pagtulong. "Bukas ang aking tanggapan sa pangtanggap ng mga panukala at kahilingang proyekto ng mga barangay opisyal."
Hindi na magiging responsibilidad ng DILG 12 ang pagtutok sa pagpapatakbo ng LGU's pati narin ang mga kapulisan rito ay magiging saklaw na ng pamumuno ng BARMM MILG. nilinaw naman ni 6ID Commander, Maj. General Juvymax Uy na ang mga kasundaluhan ay mananatiling nasa pamamahala ng National Government.
#WeHealAsOne
#MasaganangNorthCotabato
#kuyogta
#Dumaki
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=117720.0