Author Topic: Cayetano, Oplan Tokhang, ibalik  (Read 506 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33320
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Cayetano, Oplan Tokhang, ibalik
« on: March 03, 2017, 04:55:56 PM »
Cayetano, Oplan Tokhang, ibalik
 
"Ako’y nakikiusap sa ating Pangulo at sa PNP na i-relaunch ninyo ang inyong anti-drug drive."
 
Ito ang panawagang ginawa ni Senador Alan Peter Cayetano sa administrasyon nang magsalita siya sa pagtitipon ng mga pro-Duterte supporters sa Quirino grandstand nitong Sabado (Feb. 25).
 
Sabi ng senador, kapag ibinalik ang "war on drugs" ay nais umano niya itong tawaging "people's war on drugs."
 
“Simula sa araw na ito February 25, araw ng rebolusyon at pagbabago, hindi na ito Duterte’s war on drugs, it will be the people’s war on drugs dahil po kasama tayo sa paglaban sa droga,” ayon kay Cayetano.
 
Sinabi niya ito sa araw ng ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
 
Ayon kay Cayetano, 60 porsyento ng problema ng bansa laban sa krimen ay may kinalaman sa iligal na droga. Kaya hinimok niya ang Pangulo na ituloy ang sinimulan nitong pagbabago.
 
Noong suspendihin ang giyera sa droga, nagbalikan na naman umano sa lansangan ang mga durugista, ayon sa senador.
 
"Kapag bumalik ang mga pusher, kasunod na niyan ang patayan ng inosente. Kasama na diyan ang rape, ang nakawan," pagpapatuloy niya.
 
Muli namang ipinagmalaki ni Cayetano ang mga pagbabagong nangyari sa ilalim ng administrasyong Duterte, lalo na ang panunumbalik ng tiwala ng tao sa pulisya.
 
"Marami pang kailangang gawin. Hindi pa tapos ang pagbabago. Pero mas safe na ba ng inyong mga lugar? Kahit papano po ba, yung mga pusher sa inyong lugar, hindi ba takot na rin?," tanong niya sa publiko.
 
"Hindi ba kahit papano, ang pulis ngayon, kapag nakita natin, hindi natin tinatakbuhan natin palayo, tinatakbuhan natin papunta dahil alam nating tutulungan tayo ng mga pulis na yan?," dagdag ng senador.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=85780.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: