normal_post - Reckless Imprudence - Philippine Laws Author Topic: Reckless Imprudence  (Read 657 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - Reckless Imprudence - Philippine Laws
  • Posts: 24612
  • medal1 - Reckless Imprudence - Philippine Lawsmedal2 - Reckless Imprudence - Philippine Lawsmedal3 - Reckless Imprudence - Philippine Laws
  • NEED A WEBSITE? email me: info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - Reckless Imprudence - Philippine Laws
Reckless Imprudence
« on: December 02, 2017, 05:03:57 PM »
PAHAYAG NI KAGALANG-GALANG
BERNADETTE “BH” HERRERA-DY
Bagong Henerasyon Party-list
Chair, Committee on Public Information
NOW NA! PANAHON NA PARA I-UPDATE ANG MGA LUMANG BATAS UKOL SA RECKLESS IMPRUDENCE, TRAPIK, AT DISIPLINA SA KALSADA

Nanawagan na ako, sa pamamagitan ng isang panukalang resolusyon sa Kamara (House Resolution 1486), para sa masusing pagrebisa ng ilang batas trapiko at disiplina sa kalsada na pinaglumaan na ng panahon (gaya nga ng tila di makatwirang probisyon sa reckless imprudence – tingnan ang mga halimbawa sa mga link sa ibaba ng pahayag).

Ang panawagan na ito ay nakatuon sa Department of Transportation, Department of Justice, Department of Trade and Industry, Department of Public Works and Highways, Office of the Court Administrator at the Supreme Court, the University of the Philippines Law Center, the Commission on Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority.

Hinihimok ko sila na magbalangkas ng isang bagong Land Transportation and Traffic Code. Noong 1964 pa naging batas ang Land Transportation and Traffic Code (RA 4136) became law. Ang lola ng lola ng mga batas krimen ng Pilipinas, ang Revised Penal Code, ay 1930 pa naging batas. Ang Public Service Law (Commonwealth Act No. 146), na tungkol sa issuance ng certificate of public convenience o prangkisa ay 1936 pa. Ang Civil Code of the Philippines (RA 386) na mayroong mga probisyon patungkol sa obligasyon ng mga tao sa isa't isa ay 1949 pa.

Panahon na para sa isang bagong batas sa trapiko at disiplina sa lansangan na akma sa mga bagong pamantayan sa buong mundo, bago at umuusbong na teknolohiya, at mga sitwasyon na hindi pa naisip noon ng mga bumalangkas ng mga lumang batas.

Kailangan ng isang Inter-Agency Task Force na binubuo ng mga eksperto sa iba’t ibang sangay ng ehekutibo na may “technical expertise” na siyang magbabalangkas ng bill. Handa akong isulong ang draft bill na isasaayos ang mga pamantayan at proseso ukol sa:

·             driver's license;

·             land vehicle design and manufacturing;

·             design and construction of roads and bridges; at

·             law enforcement, investigation, prosecution, and adjudication.

Mayroon dapat tayong Traffic Court o adjudication board na puro mga kaso sa batas trapiko at road safety ang lilitisin.

Kailangan nakapaloob sa batas ang automatic review ng mga probisyon nito tuwing ikalimang taon. (WAKAS)
Sanggunian:



::Thanks for sharing this link::
Stay protected from viruses and hackers. Download Avast at https://goo.gl/S5Bzjd



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88570.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

Where to Stay in Bohol? Book at Dao Diamond Hotel and Restaurant in Tagbilaran City. Online reservation at: https://www.daodiamond.com



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via twitter
 

Sign-up or Log-in Free

 
 
Welcome, Guest. Please login or register.
SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2020, SimplePortal