Author Topic: Pangulong Gloria Arroyo  (Read 283 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33341
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Pangulong Gloria Arroyo
« on: October 07, 2022, 08:59:44 AM »
"By Freddie G. Lazaro
Laoag City (1 December 2005) -- Dahan-dahang bumabalik ang tiwala ng sambayanan sa gobyerno dahil sa nakikita nilang kaseryosohan ng Pangulong Gloria Arroyo na tugunan ang problemang pang-ekonomiya ng bansa.

Pinatutunayan ito sa muling pag-angat ng approval at trust rating ng presidente sa pinakahuling survey ng pulse asia at paglobo ng remittances ng mga kababayan natin na nagta-trabaho sa ibayong dagat.

Taliwas ito sa nakalipas na panahon kung saan bumaba ang padalang salapi ng mga ofw dahil sa pag-ipit nila ng kinita o kaya naman ay idinadaan ito sa mga tinaguriang "informal channel".

Dulot na rin ito ng pagsisikap ng gobyerno na higit na pagandahin ang money transfer facilities para sa maayos at secured na pagpapadala ng kinitang salapi ng ating milyun-milyong kababayang ofw.

Dito nakilala ang pilipinas, bilang isang mahusay at maaasahang source ng mga matatalino, masisipag at mapagkakatiwalaang mga tauhan at kawani na magpapaunlad ng mga industriya at kabuhayan ng maraming mga bansa.


Sa isyu ng Pulse Asia rating

Mahiwaga ang resulta ng survey ang pulse asia na kanilang ginawa sa pagitan ng oct. 15 hanggang 27 kung saan ay sinasabing mayorya ng ating populasyon ang hindi pabor sa pagkakabasura ng kongreso sa impeachment complaint laban sa pangulong gloria macapagal arroyo na nakabase lamang sa hello garci tape.

Mahalagang malaman ng publiko kung sino ang nangumisyon sa pulse asia para sa nasabing survey at maging ang timing nito. Ang huling linggo ng nagdaang buwan ng oktubre ay kritikal dahil emosyonal ang sambayanan kaugnay sa pagpapatupad ng expanded value added tax law na sinimulan noong nobyembre uno.

Kulang ang pang-unawa ng sambayanan sa evat dahil binomba ito ng negatibong komento mula sa mga grupong matagal ng umaasinta sa pwesto ni pgma at ito ang pagkakataong sinamantala ng mga taga-oposisyon.

Ayon sa report ng pulse asia na kinuha mula sa may 1,200 respondents sa mga hindi binanggit na lugar sa metro manila, luzon, visayas at mindanao, 84% o walo sa bawat sampung mga pinoy ang hindi sang-ayon sa pagkakabasura ng impeachment complaint.

Sa nasabing survey ay umakyat ng 8% ang net trust rating ng pangulo na naitala sa -34% kumpara sa -42% noong buwan ng hulyo. Isa sa mga naging hatak nito ay ang kabiguan ng oposisyon na patunayan ang kanilang mga alegasyon laban sa punong ehekutibo."

* * *
Avail of easy and fast online loan at www.tala.com Philippines



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=123078.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: