Join MikeLigalig.com!

Why Just Read When You Can Join, Post, and Read!

Kuwentong Paalala

Started by MikeLigalig.com, January 28, 2022, 04:00:48 PM

Previous topic - Next topic

MikeLigalig.com

Kuwentong Paalala:
Isang lalake ang naglitson ng isang malusog na baka. At nung puwede na itong ihain ay tinawag niya ang kanyang bunsong kapatid na lalaki at sinabi:

"Lumabas ka at puntahan mo ang ating mga kapitbahay at kaibigan, imbitahan para sa ating salo salo."
Lumabas ang kanyang kapatid.. at ito ang kanyang isinigaw...

"Mga kapit bahay, tulungan ninyo kami! Nasusunog ang aming tahanan!"

Dali-daling namang humangos 'yung ibang nakarinig patungo sa bahay nila para tumulong mag-apula sa sunog. Ang iba nama'y parang walang narinig at ang iba naman ay sadyang ayaw talagang tumulong.

Nagtaka naman 'yung mga humangos para tumulong dahil wala namang sunog. Bagkus ay may handaan at may litson baka pa, kaya naman sila ay nagpakabusog!

Napansin naman ng panganay na kapatid na wala man lang siyang kakilala sa mga naimbitahan kaya't tinanong niya ang kanyang nakababatang kapatid.

"Nasaan na ang mga kapitbahay at mga kaibigan natin?"

At siya ay sumagot na sa kanyang paglabas ay ito ang sinabi niya.

"Sumigaw ako ng tulong dahil nasusunog ang ating tahanan..."
Kuya, sila ang tunay na mga kasama o kaibigan natin, handang tumulong sa oras na tayo ay nangangailangan.

Lesson :
Maraming kaibigan na kilala ka lang sa oras na sila'y nangangailangan,
pero kapag ikaw naman ang nangangailangan ay hindi mo na sila maaasahan.


*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at www.bluehost.com - FREE website transfer..

Latest Tubag Bohol Topics

For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God. - John 3:16-18

● ● ● ●
MOST AFFORDABLE health insurance HMO in the Philippines. Learn more at https://kwik.insure/at/mligalig