Join MikeLigalig.com!

Why Just Read When You Can Join, Post, and Read!

Binatilyo, patay matapos bugbugin dahil sa Facebook comment

Started by Lollapalooza, December 14, 2012, 09:08:06 AM

Previous topic - Next topic

Lollapalooza

Patay ang isang 13-anyos na binatilyo matapos bugbugin dahil sa pagko-komento sa social networking site na Facebook.

Batay sa inisyal na ulat, Nobyembre 16 nang abangan ng suspek na si alyas "Ariong Carriaga" ang biktimang si John Francis Bagaporo mula sa paaralan ng huli sa El Salvador City, Misamis Oriental.

Dito na umano pinagbubugbog ng 18-anyos na suspek ang binatilyo.

Sinasabing hindi nagustuhan ng suspek ang komento ni Bagaporo sa Facebook.

Kwento ng ina ng biktima, tanging "wew" lang ang sinulat ng kanyang anak sa Facebook page ng kaklase niyang babae, na kasintahan umano ng kaibigan ni Carriaga.

Halos dalawang linggong hindi nakapasok sa paaralan si Bagaporo dahil sa pagkahilo at kahirapan sa paglalakad.

Nagsusuka at nilalagnat din umano si Bagaporo dahil sa mga natamong bugbog sa katawan.

Ang bumarang dugo sa likurang bahagi ng nag-crack niyang bungo ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Hustisya ang sigaw ngayon ng pamilya ng biktima.

Ayon naman sa Misamis Police, patuloy ang pagtugis nila sa suspek. Report from Maricel Butardo, ABS-CBN News

"If you ask me what I came into this life to do, I will tell you: I came to live out loud." ~ Emile Zola~  ‎(áµ"á´¥áµ")

hubag bohol

...than to speak out and remove all doubt." - Abraham Lincoln

Visit www.kwikcare-philcare.com - Most affordable HMO Health Insurance in the Philippines

jorgeanna

a marriage can never be perfect.. but the love can be!

Pikoy

ang bOrit kUng mAuy mAgdagHan DyutaY ra....