Press Release from LTFRB: EXEMPTION SA PAGKUHA NG CPC NG MGA SHUTTLE SERVICES, MULING PINALAWIG NG LTFRB HANGGANG IKA-31 NG AGOSTO
Muling pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-exempt sa mga Shuttle Service na kumuha ng Certificate of Public Convenience (CPC) na epektibo kahapon, ika-20 ng Mayo 2021, sa gitna ng muling pagpapatupad ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Ito na ang pangalawang extension ng exemption sa mga Shuttle Services na ipinatupad ng LTFRB, mula sa ipinatupad na Memorandum Circular 2020-039 na nag-exempt sa mga Shuttle Service na kumuha ng CPC simula noong ika-19 ng Agosto 2020 . Base sa Memorandum Circular 2021-032, ang mga sumusunod na requirement ay dapat sundin ng mga Shuttle Service na bumiyahe nang walang CPC:
1. May Valid Contract of Lease ang Shuttle Service provider at pribadong kumpanya o govertment agency na kumukuha sa serbisyo ng Shuttle Service para sa mga empleyado sa loob ng, at hindi lalagpas ng, ika-31 ng Agosto 2021. Dapat laging nakahanda ang Valid Contract of Lease sa lahat ng oras, lalo na kapag kailangan sa on-road operations ng Shuttle Service. KAILANGANG NAKASAAD SA VALID CONTRACT OF LEASE NA PARA SA PAGBIYAHE NG MGA EMPLEYADO ANG OPERASYON NG SHUTTLE SERVICE.
2. Kailangang naka-register ang sasakyan at may valid comprehensive passenger insurance policy
3. Ang sasakyan na tukoy sa Contract of Lease ay dapat may marka o logo ng kumpanyang umuupa sa naturang sasakyan.
4. Gagamitin lamang ang sasakyan na inupa ng kumpanya bilang Shuttle Service para sa mga empleyado
Ang mga Shuttle Service provider na hindi susunod sa mga nabanggit na alituntunin para sa mga Shuttle Service ay maaaring makonsidera na colorum at maaaring patawan ng kaukulang multa at parusa.
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121236.0