May balita na galing mismo sa coach/trainer ni Manny Pacquiao na si Freddie Roach na disappointed ito ngayon kay Pacman dahil ‘di nito siniseryoso ang nalalapit na laban kay Miguel Cotto.
Makailang beses na raw tinatanong ni Roach si Pacman kung kailan magsisimulang mag-training dahil mahirap daw kalaban ang naturang Puerto Rican boxer pero wala raw isinasagot ang Pambansang Kamao. Anyway, nakarating kay Manny ang pangamba ng kanyang coach/trainer at nangako na magte-training siya sa tamang araw.
Sa ngayon ay naka-focus pa si Pacman sa sitcom niyang Show Me Da Manny sa GMA7 at iba pang TV commitments.
Inspirado si Manny sa acting career niya lalo na ngayong maganda at mataas ang rating ng SMDM kung saan kasama niya sina Marian Rivera, Lovi Poe, Tuesday Vargas, Rochelle Pangilinan sa direksyon ni Uro dela Cruz na siya ring direktor ng nangungunang gag show na Bubble Gang sa GMA7. - Tonee Coraza, Journal
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=22278.0