Author Topic: Male TV host, ayaw nang pagamit sa oportunistang beauty queen/actress!  (Read 926 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Male TV host, ayaw nang pagamit sa oportunistang beauty queen/actress!
Danielle Castano, kinaiinisan ng televiewers!

Marami na ang naniniwala sa kuwento na kinaiiritahan ang former beauty queen na si Danielle Castano ng mga kapwa niya contestant sa The Amazing Race Philippines, base sa kanyang mga inaasal sa bawat episode ng reality game show ng TV5.


Noong Sabado, ang paggawa at pagkain ng mga Vigan longganisa ang task para sa 11- team ng TARP.


Pinakamaligalig at pinakamaraming reklamo si Danielle kaya kinainisan siya ng televiewers.


Former beauty title-holder si Danielle pero very unbecoming of a beauty queen ang ugali na kanyang ipinakikita.


***


Ang manager ng Grand Villa Resort and Butterfly Centre na si Ronald Ramos ang nagsabi na isang uri ng gamu-gamo at hindi paru-paro ang mariposa.


Hindi binanggit sa press launch ng Paroa kung gamu-gamo si Mariposa, ang karakter na ginagampanan ni Barbie Forteza pero nakalagay sa publicity guide na tungkol sa mga butterfly people ang kuwento ng bagong programa ng Kapuso Network.


Sinadya namin si Ronald sa Grand Villa Resort dahil hiningi namin ang kanyang opinyon tungkol sa mga paru-paro.


Ipinaliwanag ni Ronald na isang klase ng gamu-gamo ang mariposa at may mga gamu-gamo na nakakalason.


Binanggit din niya na pitong araw lamang ang life span ng mga paru-paro na in demand sa mga debut, kasal at libing dahil sila na ang pinali­lipad sa mga na­banggit na okasyon, hindi na ang mga ibon at lobo.


Bukod sa Butterfly Centre, may aviary, ma­lawak na swimming pool at tree houses ang Grand Villa Resort ay dito namin nakita ang madaldal na cockatoo at isang cockatoo na sayaw nang sayaw.


***


Bininyagan kahapon sa Christ The King Greenmeadows, Quezon City si Aryana, ang pangalawang anak nina QC Councilor Alfred Vargas at Yasmine Espiritu-Vargas.


Aryana ang pangalan ng second daughter nina Alfred at Yasmine at naisip nila ang nabanggit na pangalan bago pa man nagkaroon ang ABS-CBN ng TV series na Aryana.


Isinabay sa binyag ni Aryana ang kanyang 1st birthday celebration at ang second birthday party ni Alexandra, ang pa­nganay nina Yasmine at Alfred. Isang taon lamang ang age gap ng magka­patid.


Ginanap ang reception ng binyag at birthday nina Alexandra at Aryana sa Christ the King Parish Hall.


***


Iniiwasan ng isang male TV host ang beauty queen-actress dahil nang magtagal ang kanilang friendship, saka niya na­patunayan na magaling lamang ang huli kapag may kailangan.


Kumbinsido ang male TV host na oportunista ang beauty queen-actress na mahilig humingi ng pabor pero kapag siya na ang hihingan ng tulong, hindi niya sinasagot ang mga phone call ng TV host.


It's payback time para sa TV host dahil lately, sunud-sunod ang mga text message at phone calls sa kanya ng beauty queen-actress na muling humihingi ng malaking pabor.


Hindi na sinasagot ng TV host ang mga tawag at text message ng beauty queen-actress dahil
ayaw na raw niya na magpa­gamit sa mga tao na hindi marunong tumanaw ng utang na loob.


***


Ngayong hapon ang pilot telecast ng Precious Heart Romances Pre­sents: Paraiso, ang titillating TV series nina Matteo Guidi­celli at Jessy Mendiola. Napanood na namin ang unang episode ng Pa­raiso na siguradong magugustuhan ng televie­wers dahil hindi naka­kabagot ang mga eksena.


Co-stars nina Matteo at Jessy sa Paraiso sina Matt Evans, Je­wel Mische, Angel Jacob, Juan Rodrigo at Ces Quesada.



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=56582.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: