Sa buong mundo mahigit 3.5 milyong mga bata (edad lima pababa) ang namamatay kada taon mula sa diarrhea at pneumonia-related diseases. Sa Pilipinas, ito rin ang nangungunang dahilan ng pagkamatay ng mga bata.
Sa Oktubre 15 ang taunang Global Handwashing Day (GHD) para isulong ang halaga ng paghuhugas ng mga kamay.
Ang paghuhugas ay dapat gawin bago kumain, bago humawak ng pagkain, matapos gumamit ng banyo, matapos hawakan ang mga alagang hayop at matapos maglaro.
Sa taong ito, ang Procter & Gamble sa pamamagitan ng kanilang flagship soap na Safeguard, Department of Education, Department of Health, UNICEF, Fit for School at Play Pilipinas ay may layong paabutin ang mga bata sa edad na lima.
Inanunsyo ng Safeguard sa temang “Give Me 5!â€, na ipagpatuloy ang halaga ng paghuhugas ng mga kamay. Iniimbitahan ng Safeguard ang lahat na makibahagi sa 5th year of Global Handwashing Day sa bansa. Makiisa sa pagtweet na may hashtag #Happy5thGHD.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=55735.0