Author Topic: Schedule for Philippine Service Exam  (Read 716 times)

pioneer

  • To God be the glory alone
  • FOUNDER
  • GURU
  • *****
  • Posts: 18911
  • stay at home
    • View Profile
    • spiritual preparation
Schedule for Philippine Service Exam
« on: April 15, 2012, 08:37:53 PM »
by PIA

Inihayag ni Director Arpon Lucero ng Civil Service Commission Sorsogon Field Office na nakatakda sa darating na Mayo 27 ang eksaminasyon para sa mga nais makakuha ng certificate of eligibility sa sub-professional at professional levels.

 
Kaugnay nito, itinakda na rin sa Abril 27, isang buwan bago ang takdang araw ng eksaminasyon, ang pagsusumite ng application forms ng mga interesadong mag-eksamin.
 
Kabilang sa mga rekisitos na kailangan ay ang mga sumusunod: apat na kopya ng passport ID na may name tag, valid ID, filled-up application form, at P500 na cash para sa examination fee.
 
Samantala, inamin naman ni Lucero na bumaba ang bilang ng mga nakapasa sa professional at sub-professional examination dito sa Sorsogon noong nakaraang taon. Aniya, umabot lamang sa 12.11 porsiyento ang nakapasa  kung saan sa kabuuang mahigit sa 600 na kumuha ng eksaminasyon, 60 lang ang nakapasa sa professional habang sa sub-professional naman ay lima lang ang pumasa.
 
Ayon kay Lucero, mahalagang maipasa ang career service eligibility exam sapagkat isa ito sa mga rekisitos upang maging regular na empleyado ng pamahalaan.
 
Kasabay ng eligibility ay ang kaukulang edukasyon, karanasan, at skills training ng isang tao upang maging permanente ito sa trabaho sa pamahalaan. Nilinaw niyang hindi kailanman mabibigyan ng tsansang maregular sa trabaho ang mga hindi nakapasa sa career service eligibility.
 
Pinayuhan din niya ang mga hindi pumasa na huwag susuko o mawawalan ng pag-asa, bagkus ay pagsikapan pa ang mga susunod pa nilang pagkuha ng kaparehong eksaminasyon upang tuluyan nang maipasa ito.

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=49337.0
Romans 10:9
"That if you shall confess with your mouth the Lord Jesus, and shall believe in your heart that God has raised him from the dead, you shall be saved."
👇👇👇
Na-try mo na ba yung Tala app? Reliable sa unexpected expenses at laking tulong sa future! Use this code 9SO1TSL or visit www.tala.com to sign up!

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: