Lumikha ng maraming katanungan ang ginawang pagbabakasyon ng maimpluwensyang staff ng Âbigating miyembro ng Upper House.
Matagal nang alam ni Mang Teban ang pagbabakasyon ng nasabing staff bago pa man tinaÂlakay ang kontrobersyal na sin tax bill at ang reproductive health (RH) bill sa kapulungan.
Subalit nitong mga nagdaang araw, lumabas ang mga ulat na pinagbakasyon daw ng bigating senador ang maimpluwensya nitong staff at hindi tulad ng mga naunang napaulat na kusa itong nagbakasyon.
Nagmistula raw kasing ‘doktor’ ang staff, kung saan nag-ala ‘Garci’ sa mga numerong inire-report sa kanyang amo.
Nakarating marahil sa bigating senador ang mga dinoktor na report ng kanyang staff kung kaya’t pinagbakasyon niya muna ito, tutal naman ay malamig ngayon sa Baguio City para roon magpalamig ng bukol eheste ng kanyang ulo.
Pintahan n’yo na: Ang staff na pinagbakasyon ay nagtatrabaho sa isang senador na kilalang babaero. May letrang N sa kanyang apelyido as in Nokia ang brand ng cellphone.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=63776.0