Best Wordpress Web Hosting Company 2021

Author Topic: Mga Batang Bar Girl Naluwas sa mga tinugyanan sa Balaod  (Read 1446 times)

Silab sa Udtong Tutok

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 100
  • Mobutyag sa Kamatuoran aron ka masayod..
    • View Profile
Mga Batang Bar Girl Naluwas sa mga tinugyanan sa Balaod
« on: June 22, 2010, 07:02:26 am »

200 batang bar girls ‘naisalba’

by Mar Empaynado    
Monday, 21 June 2010 20:20




Journal Online

MAHIGIT 200 babaing pinaghihinalaang nag-aalok ng “panandaliang aliw” sa loob ng isang bar sa Ermita, Manila ang “naisalba” ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) Sabado ng gabi.

Ito ay bilang tugon sa sunud-sunod na mga reklamo na ang L.A. Café na matatagpuan sa Marcelo H. del Pilar. St. , Ermita, ay ginagawang tambayan ng mga kababaihang nagbebenta ng laman.

Bahagi rin ito ng mahigpit na kampanya ni Manila Mayor Alfredo Lim laban sa lahat ng uri ng kalaswaan, kabilang na ang pornograpiya at prostitusyon.

Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng Dept. of Justice Anti-Human Trafficking sa pamumuno ni Jess Cabigting, Manila Social Welfare sa ilalim ni Jay dela Fuente, MPD District Mobile Group (DMG) na pinamumunuan ni Senior Supt. Manuel Posadas at Public Safety Battalion sa ilalim ni Supt. Nelson Yabut.

Habang iniimbestigahan sa MPD headquarters, natuklasan ng mga awtoridad na karamihan sa mga babae ay menor de edad.

Napagalaman na ang mga bayarang babaing naghahanap ng kanilang magiging parokyano ay nagbabayad pa ng P200 para makapasok sa L.A. Café  upang doon maghintay ng kanilang kostumer.

Ang naturang bar ay bukas 24 oras araw-araw at dinadagsa ng maraming kostumer, na karamihan ay mga dayuhan na naghahanap ng panandaliang aliw at mahilig sa menor de edad.

Ang nagmamay-ari ng L.A. Café ay isang Australyano, na pinaghahanap pa ng mga pulis habang ginagawa ang ulat na ito.

Kamakailan ay naging bisita sa bansa ang diplomat na si Hillary Clinton, maybahay ni dating US Pres. Bill Clinton, at iniulat na ang Pilipinas ay isa mga bansang nangunguna ngayon sa larangan ng human trafficking.

“Hindi natin puwedeng pabayaan ang mga babaing ito na tuluyang maligaw ng landas. At hindi rin natin puwedeng kunsintihin ang kalaswaan na mamayagpag sa ating lungsod, dahil magsisilbi itong anay na patutuloy na sisira sa ating mga kabataan at lipunan,” ani ni Yabut.


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=29811.0

Fastest Web Hosting Server Provider

hubag bohol

  • AMBASSADOR
  • THE SOURCE
  • *****
  • Posts: 89955
  • "Better to remain silent and be thought a fool...
    • View Profile
Re: Mga Batang Bar Girl Naluwas sa mga tinugyanan sa Balaod
« Reply #1 on: June 22, 2010, 10:14:36 am »
Kini ra bang mga operator sa bar nga ingon ini maoy mounag tilaw sa mga baje, unja ang malayhan a-permihon og gamit...  >:(

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=29811.0
...than to speak out and remove all doubt." - Abraham Lincoln

Fastest Web Hosting Server Provider

Tags:
 

Website Counter