News Release: Sa gitna nang umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa NCR+ Bubble, mahigit 122 pasahero ang natulungan ng Port Management Office ng NCR-North bilang bahagi ng selebrasyon ng ‘Araw ng Kagitingan’ kahapon, 9 Abril 2021.
Ang mga nasabing pasahero na kabilang sa mga essential travelers ay patungo ng Kabisayaan gaya ng Bacolod, Dumaguete at Cebu at gayundin sa Kamindanawan gaya ng CDO, Butuan, Zamboanga, Ozamiz at Iligan.
Bago tuluyang tanggapin at makabiyahe, siniguro ng pamunuan ng PPA PMO NCR-North na kwalipikado at dala ang mga kinakailangang dokumento ang mga pasahero at pumasa sa minimum health, safety and travel protocols ang mga ito.
Ang mga pantalan na nasasakupan ng PPA ay nagpapatupad ng mahigpit na health, safety and travel protocols upang masiguro ang patuloy na pagbibigay ng serbisyo publiko ng mga ito habang ang bansa ay patuloy sa pakikipaglaban sa COVID-19.

PPA PMO North Harbor
#MalasakitatSerbisyo
#MaritimeSectorCares
#PPACares
#DOTrPH

#COVIDlangtoPilipinotayo
#BAHAYmunaBUHAYmuna
#WeHealAsOne
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.

START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.bluehost.com - FREE website transfer..
Latest
Tubag Bohol TopicsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=121026.0