Tagalog news: Malalaking proyekto para sa taong 2012, inihayag ng DENR-Calabarzon
CALAMBA CITY, Laguna, Enero 31, 2012 (PIA) -- “Maganda ang naging resulta ng performance ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng nakaraang taon hindi lang sa rehiyon ng Calabarzon pati na ng buong DENR at ito ay nakikita sa magandang feedbacks at mga opinion polls.”
Ito ang naging pambungad na pahayag ni Reynolfo A. Juan, officer-in-charge Regional Executive Director ng DENR Calabarzon sa programang “Talakayan sa PIA-4A” na ginanap noong Enero 27, 2012 sa tanggapan ng PIA sa lunsod na ito.
Sa nasabing programa ibinahagi ni Juan ang ilan sa mga malalaking proyekto ng kanilang departamento para sa taong 2012. Kabilang sa mga proyekto ang implementasyon ng ‘National Greening Program (NGP)’ na isa sa mga pangunahing prayoridad ng Pangulong Benigno S. Aquino III at DENR Secretary Ramon J.P. Paje.
Ayon pa kay Juan sa taong ito ay lalo pang paigtingin ng DENR ang programa sa NGP na kung noong nakaraang taon ay nasa ‘4,000 hectare’ lang ang naging target ng kanilang tanggapan, sa ngayon ay umabot ito sa ‘10,823 hectares’ ang ibinigay na target at ito ay dinagdagan pa at ginawa nang ‘11,861 hectares’. “Ang nasabing proyekto ay may kaakibat na inisyal na pondo na nagkakahalaga ng kulang-kulang sa isandaang milyon ang gagastusin ng gobyerno para maipatupad ang NGP,” dagdag ni Juan.
* Today's Helpful Tip *
Tala app is a fast and easy way to borrow money, and it's used and trusted by many. Download Tala to join millions of Filipino users today! >>>
http://inv.re/9o3vpLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=92197.0