normal_post - Magsayo vs. Diaz sa PP41 - Boxing and Boxers Author Topic: Magsayo vs. Diaz sa PP41  (Read 516 times)

rogamz

  • INTERN
  • **
  • avatar_3704 - Magsayo vs. Diaz sa PP41 - Boxing and Boxers
  • Posts: 639
    • Share Post
xx - Magsayo vs. Diaz sa PP41 - Boxing and Boxers
Magsayo vs. Diaz sa PP41
« on: July 07, 2017, 05:07:32 AM »
Nakatakdang depensahan ni Mark “Magnifico” Magsayo ang kanyang WBO International Featherweight belt SA pagharap niya kay Daniel “El General” Diaz NG Nicaragua sa “Pinoy Pride 41: New Generation Warriors” ngayong Sabado sa IEC Convention Center sa Cebu.
Bukod kay Magsayo, (16-0; 12 KOs), mapapanood din ang nagbabalik na knockout artist na si Albert “Prince” Pagara, (27-1; 18 KOs) laban kay Aekkawee Kaewmanee ng Thailand (16-9; 6 KOs).
Nais ni Pagara na duplikahin ang panalo nito noong Nobyembre 2016.
Muling masisilayan ang tikas nina Magsayo at Pagara habang makikilatis naman ang husay ng baguhang si Jeo Santisima (13-2; 11 KOs).
Haharapin ni Santisima ang pinakamabigat na laban ng kanyang batang karera kontra hindi pa nakakatikim ng talo na si Tanzanian boxer Goodluck Mrena (16-0; 8 KOs).
May barahang 23-7-2; 15 KOs si Diaz.
Sa linggo mapapanood sa ABS-CBN ch. 2 ang laban (3:30 p.m.) at sa primetime sa S+A (8 p.m.).


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=87030.0
No other time than now..



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

 

Latest Topics

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal