normal_post - Sa Bunga Nakikilala ang Puno - Anonymous Diary Blog Author Topic: Sa Bunga Nakikilala ang Puno  (Read 955 times)

Gener

  • STUDENT
  • *
  • avatar_1525 - Sa Bunga Nakikilala ang Puno - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 444
    • Share Post
xx - Sa Bunga Nakikilala ang Puno - Anonymous Diary Blog
Sa Bunga Nakikilala ang Puno
« on: October 12, 2008, 10:16:57 PM »
Sa Bunga Nakikilala ang Puno
By: Gener Marcelo

“Saan ka nakatira?”tanong ng isang bata sa kanyang bagong kaibigan. ”Ako? sa impiyerno” ang sagot ng inosenteng bata. ”Hah, bakit sa impiyerno?’, sunod na tanong ng batang nag-uusisa. ”E kasi madalas kong marinig sa tatay at nanay ko pag nag-aaway sila, ”Walanghiya kang demonyo ka, lasing ka na naman, saan na naman kayo lumaklak ng mga kumpare mong demonyo?” ”Lintik, kay aga eh bunganga mo agad ang naririnig ko. Makalayas na nga sa impiyernong bahay na ito”

Eksenang kathang isip ko lang, pwedeng totoo pero pwede rin pasubalian na hindi nangyayari. Pero sa tingin ko, di na importante and tsansa ng posibilidad, sa isang banda, kathang isip man o tunay na pangyayari, isa lamang ang gusto kong tumbukin, sinasalamin ng bata ang nakikita sa matanda.
“Alam ko na yan, napanood kona  yan sa TV eh. Hindi ba merong commercial sa telebisyon noong araw tungkol dito?”


Ang maling Gawa ng Matanda, Nagiging Tama sa Mata ng Bata
Mabuti naman at napanood mo na pala yun, pero alam mo na kaya ang lahat? Marahil OO, kasi nakikita ko naman sa iyo na edukado kang tao, may magandang posisyon sa opisinang pinapasukan mo. Pero, bakit ganun ang nangyayari sa buhay mo ngayon?


Sa Bunga Nakikilala ang Puno
Bakit sa Sa Bunga Nakikilala ang Puno eh pwede naman sa Puno Nakikilala ang Bunga?
“Minsan, ayoko ng magbasa ng pahayagan.” “Bakit naman?”usisa ni Misis.
”Kasi naman wala na akong mabasa maliban sa Corruption, Patayan, Hold-up, Rape at kung anu-ano pang krimen. Worst, ang di ko masikmura ay ang Incest Rape.” Para saan ka, marami ang nagtatanong sa atin, saan na ba papunta ang ating lipunan ngayon.
Pero pa-consuelo-de-Bobo, “Di lang naman sa ating bansa nangyayari ang ganito, mas malala pa nga sa ibang bansa” pagtatangol ni brod na may kina-kasamang babae sa kabilang kanto na ang asawa ay seaman.
E ano naman sa iyo? Seaman ang asawa ko, pihado, maraming babae yun kaya amanos lang kami” pagtatangol ni babae na kabit ni brod.

 Kung ang bunga ay masama, tiyak na masama rin ang puno at kung ang puno ay mabuti, anupa’t mabuti rin ang bunga.
Eto’y mga kalatas na makikita ninyo sa bibliya. ”Sus, biblia ka na naman, mano ba’t tigilan mo nga ako sa mga paandar mo? Masyado kang moralista bakit, wala ka bang kasalanan?” padabog na tugon ni brod sa akin.
Meron din naman brod, wala namang malinis sa atin, wala kahit isa. Sa Biblia mo din mababasa yan brod.
Pero higit sa kung ano pa man, gusto ko lang na ipaabot sa inyo, kapwa ko magulang ang nakaambang kaparusahan sa mga mga magulang na nagpabaya sa kanilang mga anak na naging palalo. Basahin ninyo na lang mga tsong at tsang, sa aklat ni Mateo. Ayokong sabihin sa inyo kung ano ang nilalaman nito, kasi baka sabihin ninyo na ako ay masyadong moralista. Ikaw na lang nag magpasya kaibigan, pihado namang may dunong ka para umunawa.

Pagkatapos mong magbasa brod, subukan mong tanungin ang sarili at sagutin kung tama ba ang iyong pangangatwiran?

Marahil lamang ang hindi, napanood ko na yan, galing na kasi ako diyan eh.


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=15533.0



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via twitter
 

Latest Topics

Napilde sa sumbagay nanunggab by mikeortegaligalig
[Today at 10:15:25 PM]


Typhoon Ramon by mikeortegaligalig
[Today at 09:25:52 PM]


Belat by hubag bohol
[Yesterday at 11:09:10 PM]


Lasting friendships start early, Part 2 by hubag bohol
[Yesterday at 11:01:03 PM]


Show-off redux by hubag bohol
[Yesterday at 10:56:33 PM]


Si Bugsay sa gamay pa sajon ra jamo lingawon by hubag bohol
[Yesterday at 10:52:39 PM]


Please don't go... by hubag bohol
[Yesterday at 10:13:48 PM]


Is Donald Trump a Traitor? by hubag bohol
[Yesterday at 10:01:51 PM]


Relief Goods Free Transportation Act by mikeortegaligalig
[Yesterday at 02:23:44 PM]


Group advocating children’s rights and welfare by mikeortegaligalig
[Yesterday at 02:22:31 PM]

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal