normal_post - Para sa aking mahay na TATAY Digo, - Anonymous Diary Blog Author Topic: Para sa aking mahay na TATAY Digo,  (Read 942 times)

Gener

  • STUDENT
  • *
  • avatar_1525 - Para sa aking mahay na TATAY Digo, - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 444
    • Share Post
xx - Para sa aking mahay na TATAY Digo, - Anonymous Diary Blog
Para sa aking mahay na TATAY Digo,
« on: June 11, 2009, 01:34:23 PM »
Para sa aking mahay na TATAY Digo,

‘TAY, 10 days na lang from now, Fathers’ day na. Ilang taon na rin na di kita nababati tuwing sasapit ang araw na ito. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ngayon lang ako nagkalakas loob na batiin ka kung kailan pa na malayo ako sa inyo. Siguro dahil sentimental lang ako ngayon dahil malayo ako; di lang sa inyo kundi maging sa aking sariling pamilya. Dito sa abroad, kasama ko rin nakikipagsapalaran ang ibang mga Pinoy para lang sa pamilya nila. Ngayon ko lang siguro naintindihan ng husto ang sakripisyo ng ama, para lang itaguyod ang pamilya, to the extent of sacrificing his own happiness of going out of his ‘comfort zone,’- well becasue of family. Kaya siguro nagkaroon ako ng lakas loob na i-express sa inyo ang dapat na noon ko pa ginawa - ang batiin kayo at pasalamatan sa mga ginawa ninyo sa aming magkakapatid. Naiintindihan ko na kayo ngayon; kasi tatay na rin ako. Talagang totoo ang kasabihang, “It takes one to know one.”

 Alam kong malabo na makarating sa iyo o kaya’y mabasa mo ang blog na ito, kasi di ka naman marunong mag-computer at wala naman kayong computer d’yan sa bahay. At kung meron man, e baka bago mo matutunan kung paano buksan ang computer, e di na ito uso. Kung ipapadala ko naman itong sulat ko sa inyo thru ‘registered mail or ordinary mail’, e siguro tapos na ang ‘Fathers’ day, e di pa nakakarating ito sa iyo. Kung makarating man, e siguro bago mo mabasa, tampered na dahil pag nakita ng mga ’garapal’ na postal employees diyan sa atin ang sulat na medyo makapal at lalo na galing pa sa abroad, e sigudong bubuksan para tingnan kung may laman na dolyares at saka tatatakan na lang ng “DAMAGED UPON RECEIPT.” HAY, naku, wala na tayong magagawa dun dahil sigurado, isa rin silang ama na gagawin ang lahat para sa ikabuhay ng sarili nilang pamilya - yun nga lang kahit sa maling paraan. Kaya heto, sa BLOG ko na lang idinaan ang pagbati ko sa inyo dahil gusto kong malaman ng buong mundo na mahal na mahal kita. Bagama’t wala akong pagkakataon na masabi ito sa iyo ng personal dahil malayo ako sa inyo, pero alam ko na malaki ang utang na loob ko sa inyo sa ginawa ninyong paghubog sa pagkatao ko. Kung hindi dahil sa inyong gabay, marahil palaboy ako ngayon at walang direksiyon sa buhay.

‘TAY, gusto kong malaman ninyo na naiintindihan ko na ang ibig sabihin ng bawat palo na dumadapo sa puwit ko noong bata pa ako pag nagkakamali ako. Bagama’t di ko maintindihan ang paliwanag ninyo sa akin noon kung bakit mo ako pinapalo, e siguro dahil na rin sa lakas ng iyak ko, kaya di ko marinig ang paliwanag mo. Naiintihan ko na rin ‘TAY kung bakit lagi kang mahigpit sa akin noon. Akala ko nga eh, talagang gusto mo lang na gawin yun pero naramdaman ko rin na mahal mo ako noon kasi nung malapit na ang graduation ko sa elementary, wala akong sapatos na ‘balat’ na isusuot at nasabi ko sa iyo noon na gusto ko sana ng “HARUTA” na sapatos sa graduation, (eh kasi yung ang uso noong 1980’s). Tuwang-tuwa talaga ako noon ng isang araw  pag uwi mo galing sa karera, swerte ka noon at tumama ka sa “winner-take-all” sa Santa Ana, kaya hayun, binigyan mo ako ng 600 pesos at nakabili akong ng ‘HARUTA’, eh di sikat ako sa mga ka-klase ko non!. Pagsampa ko sa stage, bagama’t wala ako sa ‘honor roll’ eh daig ko pa yung ‘Valedictorian namin, kasi siya, simple lang yung sapatos niya eh yung sa akin, yung uso.

SALAMAT ITAY, at salamat sa Diyos at ikaw ang aking naging tatay. Sana humaba pa ang buhay mo at sana magkaroon ako ng pagkakataon na maibalik sa inyo ang pagmamahal ng isang anak sa kanyan ama. Pagbalik ko ng Pilipinas ,’TAY, kahit di Fathers’s day eh, gimik tayo sa labas, kahit anong gimik ang guston mo ‘Tay, kahit sa beerhouse pa at kung gusto mong mag-table, sagot ko. Ako ng bahala kay nanay, papayag yun, malakas ako dun.

 Advance HAPPY FATHERS’ DAY sa inyo ‘Itay’ at nawa’y mabasa mo itong BLOG ko na ito, kung di man dito sa lupa, siguro sa langit. I love you ‘Tay!

Regards,

Gener “Gino” Marcelo


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=20504.0



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via reddit Share via twitter
 

Latest Topics

Beware of the word Clean Title by MIKELIGALIG.com
[Today at 05:50:36 AM]


AMAZING Facts by islander
[Today at 02:11:42 AM]


Mandaue to Tubigon, Bohol Liteferry Schedule by MIKELIGALIG.com
[October 20, 2019, 10:07:58 PM]


Tubigon to Mandaue Cebu Liteferry by MIKELIGALIG.com
[October 20, 2019, 10:04:09 PM]


Tubigon to Cebu Liteferry Boat Schedule by MIKELIGALIG.com
[October 20, 2019, 09:45:54 PM]


Cebu to Tubigon Liteferry Boat Schedule by MIKELIGALIG.com
[October 20, 2019, 09:24:25 PM]


DILG Circular Does Not Cover Cutting of Trees by MIKELIGALIG.com
[October 20, 2019, 04:12:10 PM]


BILECO AGMA 2019 by MIKELIGALIG.com
[October 20, 2019, 07:50:02 AM]


John Chapter 1 Tagalog Language by MIKELIGALIG.com
[October 20, 2019, 07:38:11 AM]


Jesus’ message to the believers at Ephesus by MIKELIGALIG.com
[October 20, 2019, 07:29:03 AM]

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal