normal_post - Open Letter from a middle class OFW - Anonymous Diary Blog Author Topic: Open Letter from a middle class OFW  (Read 891 times)

Gener

  • STUDENT
  • *
  • avatar_1525 - Open Letter from a middle class OFW - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 444
    • Share Post
xx - Open Letter from a middle class OFW - Anonymous Diary Blog
Open Letter from a middle class OFW
« on: October 13, 2008, 03:33:09 PM »
Ako ay isang middle class pinoy, dating isang officer sa isang malaking
korporasyon at may asawa...apat na anak. Di na importante pangalan ko kasi parepareho
naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, inom konti tapos uwi sa
pamilya, laruin si baby, itutor si ate/kuya tapos tulog na, pag wala na pera
intay nalang ng sweldo. Dahil sa di magkasya na sweldo, napilitan akong mangibang bayan dito sa gitnang silangan

Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat nalang ng sector ay maingay at
naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys ang
di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito. Pag may
mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham ko sa
lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na pag-iisip.

Sa Mga Politiko:

- diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo makuntento
kelangan nyo pa ba manggulo.

Sa Administrasyon:

- hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon,
pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power, kaya sana naman
gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno at
malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman naman namin na
may napupuntahan ang binabayad naming buwis.

Sa Oposisyon:

- di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa
inyo....isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited na
reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate.

- Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon, pumili
muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon. Hirap sa
inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos.
Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa
likod ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing bago
nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi
reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong
batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa salita at
sa gawa.

- please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga
bayaran na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga rallyista
para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag nagrarally kayo
yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong nagrarally!! Nung People
Power namin nagyayakapan kami lahat nuon.

- Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang
middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang
mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan.
Kung gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod
na kami e, sori ha.

Sa mga OIL companies:

- Alam ninyo unfair kayo, noong halos araw-araw tumataas ang price per barrel ng langis sa world market, di kayo mapakali at sabay-sabay ang pagtataas ng mga pump price ninyo. Ngayon namang patuloy na bumababa ang presyo sa pandaigdigang pamilihan, weekly lang ang pagbababa ninyo--ang katwiran under recovery pa ang company ninyo dahil sa mga previous na pagtaas ng presyo. Anak ng huweteng, di ko na maintindihan ang economics ninyo.

Sa mga Bread manufacturers:

- Di naman tumataas ang presyo ng harina, infact ang sabi ng DTI bumaba pa eh bakit nagnga-ngakngak kayo na magtataas pa kayo ng presyo? Dito sa Saudi Arabia ang lalaki at malaman ang mga tinapay pero mura pa samantalang wala naman silang pananin na trigo dito maliban sa puno ng 'dates' . E sa atin, naturingan agricultural county tayo, mahal ang harina,bigas at kung ano-ano pa. hay naku!!!

Sa Military:

Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus na
patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo ba
sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo.....yan dapat
ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di
kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang ang
nakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military ng
lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo.
Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great responsibility".....kaya
maging spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang
natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke,
kami wala.

Sa mga mahihirap:

Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa e,
may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman sila email kaya di rin nila mababasa ito.

Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang e-mail nalang tayo kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa nito at makiliti naman
ang kanilang mga konsyensya.




Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=15562.0



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

xx
This Is My Open Letter

Started by Ligalig-Mike on Anonymous Diary Blog

2 Replies
1024 Views
Last post September 29, 2007, 03:40:09 PM
by mikeygatal
 

Latest Topics

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal