normal_post - Dear Son - Anonymous Diary Blog Author Topic: Dear Son  (Read 942 times)

Gener

  • STUDENT
  • *
  • avatar_1525 - Dear Son - Anonymous Diary Blog
  • Posts: 444
    • Share Post
xx - Dear Son - Anonymous Diary Blog
Dear Son
« on: June 09, 2009, 02:45:14 PM »
(Note: I found this letter while browsing my CD archive looking for a reference material for the company profile that I was tasked to do. I made this letter sometime February of 2004 as requested by my son’s teacher during the Bosconians out of town retreat somewhere in Batangas. I would like to dedicate this also to all the fathers, who just like me have an unfathomable love for their kids. HAPPY FATHERS’ day to all dads out there. By the way, I had my son’s name ommitted, ayaw kasi nun ng publicity, suplado. lol)


Dear Son,

Hello son! “siguro by now you are wondering what seems life without your father and mother at your side, especially pag yung mga time na kailangan mo kami, kaya lang as in wala kami to help you out…kasi diba madalas mong sabihin na sana wag muna kaming umuwi ng mommy mo sa bahay para you can do whatever you want to do in the house…well, di kita masisisi, kasi nga naman, pag andyan kami, especially your mom, wala ka ng narining sa amin kung hindi, “don’t do this, don’t do that, etc, etc”, at kung anu-ano pang litanya. Well your mom and I just keep on hoping that someday, you will realize that we are doing this because we loved you more than our lives.. Yes son, we do loved you that much kaya we just wanted to teach you the way we think is right and good for you.

Madami kang pangarap noh?… ang dami mong plano . nakakatuwa naman na malaman yan. Kasama ba kami sa mga plano mo? ano? naku di ka agad makasagot… sige okay lang alam ko naman kung ano talaga sagot mo…

You know son, if you still remember one time noong tinanong kita nang pabiro, “anak, pag matanda na ba kami ng mommy mo, ipapasyal mo ba kami sa mga malls gaya ng ginagawa natin ngayun? Would you bother to change my diaper or my pants kapag napaihi ako sa pants because of my old age? Then sabi mo, “Ikukuha ko na lang kayo ng mag-aalaga sa iyo”,

You know son, I was so strucked by your answer, though pabiro lang ang tanong ko but I never expected your answer to be like that. Of course, pag malaki ka na and I’m sure maganda ang work mo because I know you got the ability to succeed in life dahil maabilidad ka, mana ka yata sa akin? (at mag-kamukha pa), kaya lang ang pinagkaiba lang natin siguro, eh yung pagtanaw sa pinang galingan, — saan? Siyempre sa aming mga magulang mo.

Alam mo anak, you can hire as many care givers para mag-alaga sa amin (dahil siguro malaki na ang sweldo mo by that time), pero son, hindi iyun ang kailangan namin ng mommy mo pag dating nang panahon na iyon kung hindi ang kalinga at pagmamahal ng sarili naming anak na bahagi ng aming dugo at buhay. Minsan tuloy natatakot akong tumanda at maging helpless na kami ng mommy mo, kasi baka you won’t bother to take care of us when we grow old.

O wag kang iiyak, di naman kita kinokonsiyensiya, basta ang gusto ko lang sabihin sa’yo na nandito lang kami ng mommy mo; kapag kailangan mo kami…pag hindi ka na busy. totoo yon! walang biro! ayaw mong maniwala?

Ganon ka namin kamahal kasi! Ayaw mo pa ring maniwala? Haaay! Remember this; kahit singit lang kami lagi sa buhay mo, kahit biglaan mo lang na natatawag ang pangalan ko dahil nagulat ka, nasaktan ka, nauntog ka o dahil part ang pangalan ko habang binabasa mo na ang sulat na ito, you will be in my heart always… and forever. Trial after trial isipin mo kasama mo ako na lumalakad, hindi man sa buhangin pero kasama mo pa rin ako dahil nasa puso kita. At sa lahat ng plano mo , kahit hindi mo ako kasama sana madinig namin ng mommy mo na mahal mo rin kami , kahit minsan lang ha? Minsan ako naman ang lambingin mo mo…miss na talaga kita eh…Sa amin ng mommy mo, hindi ka singit lang, ikaw ang bida.”

So paano, hangang dito na lang, me and your mom shall wait your arrival the following day after the retreat at the school, though Feb.25 yun, I’m not sure kung declare na holiday yun, pero, I wont mind kahit regular working day pa yun , I filed already a vacation leave on that day just to be with you once you arrived from retreat.

Sige good night and never forget to pray before you sleep,

Love,
Dad

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=20482.0



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

xx
Dear Dr X

Started by Lorenzo on Anonymous Diary Blog

0 Replies
623 Views
Last post October 11, 2009, 10:40:45 AM
by Lorenzo
 

Latest Topics

How to Apply as a PMA Cadet by MIKELIGALIG.com
[Today at 05:00:40 AM]


Unlicensed Software by MIKELIGALIG.com
[Yesterday at 07:01:02 AM]


Manila Airport Text Message by MIKELIGALIG.com
[May 20, 2019, 03:37:27 PM]


WW3 US vs Iran by balong
[May 20, 2019, 04:35:13 AM]


Thieving Paw strikes again by hubag bohol
[May 20, 2019, 12:02:17 AM]


The Lightsaber by hubag bohol
[May 19, 2019, 11:58:13 PM]


Filipino Taxi Motto by hubag bohol
[May 19, 2019, 11:51:07 PM]


‘To strive, to seek, to find and not to yield!’ by hubag bohol
[May 19, 2019, 11:44:40 PM]


Drinking too much fruit juice linked to premature death risk by hubag bohol
[May 19, 2019, 10:53:11 PM]


winning senators by balong
[May 18, 2019, 12:18:28 PM]

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal