Ni Rose B Palacio
Davao City (1 December 2005) -- Sinabi ni Sen. Mar Roxas na kulang daw sa sipa ang anti-smuggling drive ng gobyerno at 175 bilyong piso ang nawawala sa pamahalaan dahil dito kada taon.
Inungkat din ni Roxas ang mga dati nang argumento ng mga anti-new taxes na kung inasikaso lang ang ibang aspeto ng tax
collection, baka hindi na kailangan ang EVAT, sin taxes, etc…
Andiyan na ang bagong batas pagbubuwis at kasama si Roxas na nagsulong at nag-aproba nito sa Kongreso. Ipatupad ang mga luma at bagong pagbubuwis. Palakasin ang tax collection. Kung magiging mahusay ditto ang
revenue generating agencies, wala tayong pagsisisihan dahil tiyak aawas ang kaban ng bayan.
P175-B, nawawala?
Ang P175-bilyon na sinasabi ni Sen. Mar Roxas na nawawalang buwis sa gobyerno taon-taon umano ay sa tecknical smuggling pa lamang. Ibig sabihin nito, ito ang halagang naiiwasang bayaran sa buwis ng mga produktong naipapasok sa bansa dahil sa kung ano-anong maniobra gaya ng misdeclaration.
Matagal nang problema ito. Sa lahat ng administrasyong nagdaan at
existing ito. Ang Pangulong Arroyo ay nagtatag ng anti-smuggling task force at nagtalaga ng oposyal na tututok sa problemang ito. (PIA)
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE website transfer
START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.fastcomet.comLatest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=115926.0