Yamang Hindi Mapapalitan
ni Farimz
Bundok itong aking kinaroroonan
Na ipinagmamalaki ko naman
Na minsa’y pinagtatawanan
Ng mga taga-bayan
Hindi lang nila alam
Kung gaano kami kayaman
Unang-una sa ugali’t kaasalan
Higit sa lahat salikas-yaman
Hndi rin nila alam
Kahit simple ang aming kabuhayan
Hindi kami nauubusan
Ng pagkain sa hapag-kainan
Paggising palang naming sa umaga
Simoy ng hanging sariwa
Huni ng ibong kumakanta
Ang sa ami’y nagpapasigla’t nagpapasaya
Paligid ay hindi mabaho
Kaya sa sakit kami ay malayo
Walang ingay at gulo
Kaya iwas sakit sa ulo
Hindi sasakit ang paningin
Kung sa kabundukan ang paningin
Subukang bukid ay pasyalin
Siguradong mag-eenjoy ka rin
May isang bundok din
“Osmena Peak†kung tawagin
Kung sa malayo ang tingin
Napakasimple’t napakadaling akyatin
Maraming nangarap na makarating dito
Kakaiba kasi ang pakiramdam mo
Kung ikaw ay nasa tuktuk nito
Isla sa ibayong silanga’t kanlura’y kitang-kita mo
Pwede mo pang abangan
Pagngiti ni haring araw sa silangan
At pagpapaalam nito sa kanluran
Napakasarap talaga sa pakiramdam
Napakagandang pagmasdan
Nitong ating kalikasan
Lalo na’t ako’y napapaligiran
Ng mga berdeng halaman
Kapag mga biyaya ng Diyos
Ang pinagmamasdan
Hindi talaga mapapantayan
Ang angkin nitong kagandahan
Kaya’t dapat natin itong alagaan
Dahil ‘di na ito mapapalitan
Ng kahit anong yaman
Dito sa mundong ating ginagalawan.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=25668.0