Sa aking pagkamulat akoy sagana
Sa buhay tila ako isang prinsisa
Ano mang gustuhin aking nakukuha
Dahil nandiyan ang aking ama't ina
Subalit ang lahat biglaang nawala
Dati prinsisa ngayo' naging kawawa
Dahil mga magulang ko ay nawala
Ni isang bagay wala akong magawa
Inay,Itay nasaan na ngaba kayo?
Bakit ninyo ako iniwang ganito?
Kay rami ng tanong bakit at papano
Kahit isang sagot wala man lang kayo
Laging naguguluhan aking isipan
pati puso ko'y aking pakiusapan
Dinadala ko lahat ng kahirapan
kayo'y babalik na at akoy sulyapan
one*made*0f*nothing
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=26395.0