Author Topic: Isang Paalala  (Read 1245 times)

Gener

  • STUDENT
  • *
  • Posts: 444
    • View Profile
    • Gener Marcelo
Isang Paalala
« on: November 08, 2009, 09:00:32 PM »
(Mensaheng galing sa email, orihinal na nakasulat sa wikang Ingles)

===============================================================================================

Sa isang kapanahunan, humarap si Satanas kay Hesus doon sa Harden ng Eden, at masayang nagyayabang.  (Luke 4: 1-12; Job 1: 6-12)

“Opo, Panginoon, sa ngayon, silang lahat ay sakop ko na, (halos lahat sila doon sa ibaba).
Naglagay ako ng mga patibong, gamit ko rin ang pa-in ng tukso, Alam ko lahat ang mga bagay ng kanilang kahinaan. Halos nabitag ko silang lahat” (1 Ped 5: 8-9; Efe 6: 10-17)

“Ano ang gagawin mo sa kanila?” tanong ni Hesus.
At Siya ay nanalangin sa Dios Ama.

Sumagot si Satanas “Oh, gagawa ako ng katuwaan sa kanila. Palalaganapin ko ang tukso para mawasak ang maraming pamilya pagkatapos nilang magpakasal upang ang pondasyon ng sangkatauhan ay hindi maging matatag ang pamilya.” (Mat 19: 4-6; Mal ak 2: 16 )

“Pag-aawayin ko sila sa isat-isa at mag-aabusuhan silang lahat, malulong sila sa alak, droga, tawag ng laman ng walang pakundangan. (Rom 13: 12-14) Tuturuan ko silang gumawa ng mga armas at pampasabog, upang magpatayan silang lahat. Talagang mag e-enjoy ako ng husto.”

“At kung magsawa ka na sa katuwaan sa kanila, anong gagawing mo?” tanong ni Hesus, habang patuloy na nananalangin.

“Eh di patayin ko silang lahat at ang kanilang kaluluwa'y magiging akin magpakailanman
Panginoon sa lahat ng aspeto, desisyon nila 'yan.” (1 John 3: 8-10)

“ Magkano lahat ang gusto mo para sa kanila?” tanong ni Hesus.

“Uhmn, hindi mo sila kailangan. Wala silang maidudulot na mabuti para sa IYo. Bakit mo pa sila kailangan kung ayaw nilang sumunod ni magmahal sa Iyo? Galit sila sa Iyo! Nakita ko na maraming dumudura sa 'yo, isinumpa Ka a t hindi kinikilala.” Dagdag pa, “mahal na mahal nila ako.”(Mat 24: 10-13) “Hindi mo kailangan ang mga taong ito!”

“Magkano?” tanong ulit ni Hesus.

Tumingin si Satanas sa Kanya ng may pangungutya. “Lahat ng iyong luha at dugo, lahat ng kapighatian sa sanlibutan  lahat-lahat.” (Isaiah 53: 4-10; I Ped 2: 24 )

Sumagot si Hesus, “ Gawin ko.” At binayaran Niya lahat ng katumbas  (II Cor 5: 21 )

=============================================================================================

Napakasaklap isipin na hindi ninanais ng tao na hanapin ang Dios, ngunit nagtatanong sa sarili kung bakit ang mundo'y pabagsak sa impyerno.

Mas nabigyang pansin pa ang balitang pang araw-araw hinggil sa trahedya sa ating kapaligiran ngunit hindi natin hinahanap ang Biblia.


Halos lahat ay walang katuturang nagnanais na mapunta sa kalangitan ,
at naniniwalang makarating sila roon kahit walang pananalig, kahit hindi umibig sa Dios higit pa sa lahat ng bagay, ni sumunod sa sinabi ng Biblia--ang kautusan ng Dios.

Napakasaklap na may nga taong nagsasabi “Sumasampalataya ako sa Dios”,
subalit kay Satanas pa rin sumusunod (at sa totoo lang, ni hindi natatakot sa Dios)
(2 Tim 4: 3-4; II J uan 1: 7-11)

Sa palagay nyo'y hindi isang kahinaan ang magpadala ng libo-libong biro o katuwaan sa email, upang ito'y kumalat ng parang salot.

Ngunit pag itoy mensahe na mula sa Panginoon, nagda-dalawang isip pa tayo bago natin ito maibahagi sa iba at kinalimutan na lang natin ang mailboxes ng ating mga kaibigan na hindi nakabasa nito

Sa pakiwari nyo, hindi nakakagimbal na ang mga malalaswa, makamundo at kawalanghiyaan ay kusang umiiral sa Internet, na marami ang halos gusto nang ipasak ang sarili sa 'screen'

Pero ipinagbabawal sa publiko ang magbahagi tungkol kay Hesus, sa mga eskwelahan, lugar ng pinagtrabahu-an, pang kasarinlang lupon, atbp. (Gawa 4: 19-20)

Kahit ngayong malaman ang ginawa Niya para sa atin.
Dahil hindi siya pinatay ng mga Romano--kungdi ng ating mga kasalanan.
Upang lahat tayo'y mapatawad, at makilala Siya sa kanyang kaluwalhatian kasama ng Ama.

Parang hindi kapanipaniwala kung paanong ang iba ay nagiging ilaw.
Sa panahon ng 'Simba' pag pumasok sa Bahay-panambahan, sumasamba at nagpapasalamat sa Panginoon dahil sa kanyang habag sa isang pa muling araw na naragdagan ang buhay.

Subalit sa ibang mga araw ng Linggo  sya ay nagiging invisible na Kristyano! (2 Tim 3: 1-5; Rom 10: 9-13)

Ano kaya, makatarungan ba ito?

Hwag hayaang itigil ni Satanas ang magbahagi ng e-mail na ito para sa kakilala natin sa Web.
Hayaan na lang kahit sabihin nilang 'ayaw nilang maniwala nito.
Hwag hayaang umayong sa kanyang mga balak.

Hwag mabagabag tungkol sa sasabihin ng iba para sa iyo.
Panahon na upang mabahala tayo sa 'kung ano ang iniisip ng Dios para sa atin.

Pakiusap lang mga kapatid , ibahagi mo rin ito.
Ako, nagawa ko na, Salamat.

Pagpapalain ka nawa ng Dios (2 Cor 13: 13 )


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=23614.0

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

statesville

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 3339
  • The best daily exercise -- walk with the Lord.
    • View Profile
Re: Isang Paalala
« Reply #1 on: November 18, 2009, 10:36:56 AM »
"For God so loved the world, that He gave
   His only begotten Son, that whosoever
   believeth in Him should not perish, but
   have everlasting life" - John 3:16

Nowadays, so much cursing and profanity,
  blaspheming the name of the Lord openly
  on this so-called entertainment industry
  from Hollywood movies.
It really brings chills to my spine that these
  so called entertainers are corrupting the
  minds of the media esp. the younger
  people.
Judgment is imminent, the second coming
  of the Lord is sooner than you think..
 

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=23614.0
Every Christian has GPS -God-Provided Salvation!
It may not guide you to everywhere you want to go in this world, but it will ensure  that you arrive safely in heaven.

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: