Ang kasaysayan sa aklat na ito ay naganap sa magulong panahon sa Aklat ng Mga Hukom. Si Ruth na isang Moabita ay nag-asawa ng isang Israelita. Nang mamatay ang kanyang asawa, ipinakita ni Ruth ang di pangkaraniwang katapatan sa kanyang biyenang babae na si Naomi, gayundin ang kanyang matibay na pagmamahal sa Diyos ng Israel na si Yahweh. Sa bandang huli, nag-asawa siyang muli ng isa sa mga malapit na kamag-anak ni Naomi, si Boaz. Bunga ng muling pag-aasawang ito, si Ruth ay naging ninuno ni David, ang pinakadakilang hari ng Israel.
Ipinakikita ng mga kasaysayan sa Aklat ng Mga Hukom ang kapahamakang nangyari nang tumalikod sa Diyos ang Israel. Ipinakikita naman sa Aklat ni Ruth ang pagpapalang dumating sa isang dayuhang yumakap sa Diyos ng Israel at sa gayo'y naging bahagi ng bayan ng Diyos.
http://www.angbiblia.net/ruth.aspxLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=76050.0