normal_post - Biblical Stories: The Book of Acts - Bible Study Author Topic: Biblical Stories: The Book of Acts  (Read 404 times)

reyceniza

  • STUDENT
  • *
  • avatar_4859_1432383138 - Biblical Stories: The Book of Acts - Bible Study
  • Posts: 232
    • Share Post
xx - Biblical Stories: The Book of Acts - Bible Study
Biblical Stories: The Book of Acts
« on: October 07, 2013, 01:38:13 PM »

Ang aklat na ito ay karugtong ng Magandang Balita ayon kay Lucas. Ang pangunahing layunin ng aklat na ito ay ilahad kung paano pinalaganap ng mga unang tagasunod ni Jesus ang Magandang Balita "sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig" (1:8). Ito ang kasaysayan ng pananampalatayang Cristiano na nagsimula sa bansang Judio hanggang sa naging isang pananampalatayang lumaganap sa buong daigdig. Sinikap ding ipakita ng may akda na ang bagong pananampalatayang ito ay hindi isang pampulitikang samahan na naghihimagsik laban sa Imperyong Romano kundi ito ay katuparan ng relihiyon ng mga Judio.

               Ang Mga Gawa ng mga Apostol ay nahahati sa tatlong bahagi na naglalarawan ng paglaganap ng Magandang Balita at ng pagtatayo ng iglesya: (1) ang pasimula ng Cristianismo sa Jerusalem pagkatapos umakyat sa langit si Jesus; (2) paglaganap nito sa iba't ibang panig ng Palestina; at (3) patuloy na paglaganap nito sa mga baybayin ng Dagat Mediteraneo hanggang sa lunsod ng Roma.

               Ang binibigyang-diin sa aklat ng Mga Gawa ay ang pagkilos ng Espiritu Santo na bumaba sa mga apostol at sa mga mananampalatayang natitipon sa Jerusalem noong araw ng Pentecostes. Siya'y patuloy na pumapatnubay at nagpapalakas sa iglesya at sa mga pinuno nito sa lahat ng pangyayaring iniuulat dito. Ang buod ng mensahe ng Cristianismo ay napapaloob sa ilang sermon sa aklat na ito. Sa pamamagitan ng mga salaysay na nakatala sa aklat na ito ay ipinapakita ang kapangyarihan ng Magandang Balita sa buhay ng mga mananampalataya at sa pagsasamahan sa iglesya. http://www.angbiblia.net/gawa.aspx

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=76058.0
Earn Unlimited 180k Pesos - http://goo.gl/8qCAyn

Negosyong 7980 Pesos Ang Puhunan - http://goo.gl/PvP5yU
contact me @ http://fb.com/reycenz
skype/yahoo: reycenz



Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

xx
Biblical Stories: Esther

Started by reyceniza on Bible Study

0 Replies
274 Views
Last post October 07, 2013, 12:20:27 PM
by reyceniza
 

SMF spam blocked by CleanTalk
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2019, SimplePortal