Ang Pinoy Big Brother ay isang palabas pang-realidad na pinapalabas ng ABS-CBN. Batay ang palabas na ito sa Big Brother na nagmula sa Netherlands noong 1999. Pumatok at kumalat ito sa buong mundo.
Mayroong 12 mga kasambahay (housemates) na hindi magkakakilala at magsasama sa loob ng iisang bahay sa loob ng 100 araw na hitik sa saya, lungkot, galit at iba pa na kasama sa telebisyong realidad. Babantayan sila ng 27 na mga kamera sa loob ng 24 na oras hanggang matapos ang serye. Kailangan nilang pakitunguhan ang isa't-isa ng mabuti at sumunod sa mga alituntunin ng "Bahay Ni Kuya" upang maiwasan ang mapalayas. Ito ang pinakamagastos na palabas ng ABS-CBN sa ngayon.
Para sa akin, kahit walang moral lesson na makuha natin, nanood ako para malibang habang nagpapalipas ng oras.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=24718.0