Author Topic: Urban poor leaders from all over Metro Manila  (Read 550 times)

MikeLigalig.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • Posts: 33321
  • Please use the share icons below
    • View Profile
    • Book Your Tickets on a Budget
Urban poor leaders from all over Metro Manila
« on: November 21, 2017, 01:46:50 PM »
Metro Manila urban poor leaders sign manifesto of support to PGMA
Manila (29 June 2005) -- Urban poor leaders from all over Metro Manila signed a manifesto of support to President Gloria Macapagal-Arroyo during the "Kongreso ng Masa" held today at the Riverbanks Complex in Marikina City.

The manifesto condemns the prevailing practice of using gutter politics taking to task politicians who use these tactics for their own interests.

"Masa Bansa" Secretary-General, Norland D. Soriano criticized the fake crusade for truth being waged by some politicians, "Suportahan natin ang Pangulong Gloria, tapusin at wakasan na natin ang pulitikang bulok, kailangan na magkaisa tayo," he said.

Haji Mohammad Sultan, President of the Baclaran Muslim Vendors Group expressed support to PGMA saying they would like the President to continue with her livelihood and housing projects. In fact, he added that some 58 hectares of land in Las Piñas were already awarded to the Muslim community.

The urban poor leaders also called on all government officials to support the President's reform agenda so that the poor can continuously feel the gains of economic growth.

They also appealed to Congress to stop the ongoing investigation as it leads to nowhere and instead focus on the developmental projects to address the plight of the urban poor.

The people's congress was convened by Masa Bansa, a nationwide organization of urban poor dwellers. Other NGO's present at the Kongreso ng Masa included Samasama, People's Patriotic Movement (PPM), Unified Patriotic Organization of the Philippines (UPTOP), Baclaran Muslim Vendors Group, Baseco settlers Association and Luzviminda National Transport Federation.

Following is the text of the manifesto:

Kongreso ng Masa
Hunyo 29, 2005
Riverbanks, Marikina
Ang Kongreso ng Masa na binubuo ng iba't-ibang organisasyon ng maralitang tagalunsod na lumagda sa Kasunduan ng Pagkakaisa noong Hunyo 23, 2004 ay sumasang-ayon na tanggapin at ipatupad ang mga sumusunod na pahayag bilang tugon o sagot sa mga isyung bumabagabag sa bansa.

1.   Kinokondena ng Kongreso ng Masa ang umiiral na pulitika ng imburnal na sinusulong ng mga pulitikong nais lamang itulak ang mga mapansarili at mababaw na layuning pampulitika. Walang mabuting mapapala ang maralita sa kanilang pekeng krusada para sa katotohanan sapagkat ang krusadang ito ay maghahatid sa ating bansa sa bangin ng anarkiya at kandungan ng mas matinding paghihirap.

2.   Nais naming mga dukha na ituloy ng pamahalaan ang nasimulang mga serbisyo at reporma. Bagama't malayo pang makaangat sa kahirapan ang nakararami, hindi naming ikakaila na mukhang tama ang direksyon ng pamahalaan sa pagtugon sa suliranin ng kahirapan tulad ng mga ginagawang hakbang sa pabahay, reporma sa lupa, pagkakaroon ng malinis na tubig, pagkakaroon ng sistemang pangkalusugan, mga hakbang laban sa katiwalian at iba pa.

3.   Kakaiba ang ginawang pagpapakumbaba ng Pangulong Gloria sa kanyang pag-amin ng pagkakamali at paghingi ng tawad sa sambayanan. Kailangan nating alalahanin na mas masahol pa ang ginawang kabulastugan at katiwalian ng mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas na pinatawad ng taumbayan kahit na hindi humingi ng kaukulang patawad. Lalong hindi maaring magmalinis ang mga pulitikong walang ginawa kundi magsiklab ng gulo at mamato ng putik. Hindi dapat ipagmaramot ng mamamayan ang pagbigay tawad sa isang Pangulong umamin ng pagkakamali at humingi ng tawad gayong hindi naman tuwirang labag sa batas ang nagawang pagkakasala. Dahil sa pananaw na ito, tinatanggap ng Kongreso ng Masa ang paghingi ng tawad ng Pangulong Gloria at umaasa na ito na lalong pagiigtingin ng Pangulo ang pagtugon sa pangangailangan ng maralita.

4.   Mahalagang suportahan ng lahat ng sangay at ahensiya nang pamahalaan ang mga programang pangreporma ng Pangulo upang makaabot sa mahihirap ang ginhawa ng paglago ng ekonomiya at serbisyo ng gobyerno. Nananawagan kami kay Pangulong Gloria na kailangang sibakin agad sa katungkulan ang mga opisyal na pabigat lamang sa pamahalaan at nagsasawalang kibo sa daing ng mga maralita.

Sana ay magsilbing gabay ang pahayag na ito sa lahat ng Pilipino.

Ang Masa ay nagkakaisa ayon sa diwang makabansa. Sana naman ay magkaisa na rin ang pamunuan ng Pilipinas para sa kapakanan ng ating mahal na bansa.

Mabuhay ang lahing Pilipino! Mabuhay ang Pilipinas!

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88280.0
John 3:16-18 ESV
For God so loved the world, that he gave his only Son (Jesus Christ), that whoever believes in him should not perish but have eternal life. For God did not send his Son into the world to condemn the world, but in order that the world might be saved through him. Whoever believes in him is not condemned, but whoever does not believe is condemned already, because he has not believed in the name of the only Son of God.

👉 GET easy and FAST online loan at www.tala.com Philippines

Book tickets anywhere for planes, trains, boats, bus at www.12go.co

unionbank online loan application low interest, credit card, easy and fast approval

Tags: