Lazada Philippines aff_i?offer_id=3127&file_id=94990&aff_id=150634 - Imbestigasyon ng Kamara sa tapped conversation - Philippine Archive

normal_post - Imbestigasyon ng Kamara sa tapped conversation - Philippine Archive Author Topic: Imbestigasyon ng Kamara sa tapped conversation  (Read 121 times)

MIKELIGALIG.com

  • FOUNDER
  • Webmaster
  • *****
  • avatar_1382_1499847132 - Imbestigasyon ng Kamara sa tapped conversation - Philippine Archive
  • Posts: 22788
  • medal1 - Imbestigasyon ng Kamara sa tapped conversation - Philippine Archivemedal2 - Imbestigasyon ng Kamara sa tapped conversation - Philippine Archivemedal3 - Imbestigasyon ng Kamara sa tapped conversation - Philippine Archive
  • NEED A WEBSITE? 09206301130 | info@mikeligalig.com
    • Share Post
xx - Imbestigasyon ng Kamara sa tapped conversation - Philippine Archive
Imbestigasyon ng Kamara sa tapped conversation
« on: April 08, 2017, 09:48:01 PM »
Imbestigasyon ng Kamara sa tapped conversation
by Renee de Guzman
Laoag City (23 June) -- Nasayang ang unang araw ng imbestigasyon ng limang komite ng kamara sa iskandalo ng umano’y wire-tapped conversation ng Pangulong Arroyo at dating COMELEC Commissioner Virgilio Garcillano.
Naging one day lost opportunity dahil mas mahaba pa ang oras na sinayang ng mga kongresista sa debate sa Rules of Procedure at Ground Rules na gigiya sa takbo ng imbestigasyon sa tale of the tape.

Ang Rules of Procedure ay matagal nang nakalatag para sa bawat legislative inquiry na isinasakatuparan ng mga komite sa Kamara. Ang Ground Rules naman para sa imbestigasyon sa tale ng tape last week pa napagkasunduan ng Chairmen ng limang komite na nagsasagawa ng joint investigation.

Lahat ay nag-abang sa imbestigasyong ito sa pag-asang agad tayong mabigyang linaw sa isyu ng sinasabing wire tapped conversation ng Pangulo. Pero sa halip na malinaw lalo pang naging malabo dahil sa mga kakulitan ng mga ilang pagsaway na mambabatas. May mga agaw eksena pang dalawang party list na nagsuot pa ng pasadyang barong na agad naghamon na marinig ang wired tapped conversation ng Pangulo. Dinagdagan pa ito ng mas mabigat na dating mga FPJ supporters na nagdulot ng abala sa atensyon ng mga kongresista.

Nanlaban ang mga FPJ supporters sa pamumuno ni Jinggoy Alcuaz nang hindi sila papasukin sa gallery sa Kamara. Ginamit nila itong isyu para pagbubulyawan ang mga security ng kapulungan hanggang sa mauwi sa gulo ang sitwasyon samantalang puede naman sanang idaan ito sa pakiusapan.

Nais siguro ng Kamara na tiyaking tahimik ang plenaryo kaya ito’y naghigpit sa pagpasok ng mga supporters ng oposisyon.
Sana nga makakabawi ang ating mga mambabatas sa mga darating na araw ng pagsisiyasat na ito. Dalawa hanggang tatlong Linggo ang time frame ng limang house committees para tapusin ang prosesong ito.

Sana hindi mauwi sa wala ang taning na ito ng Kamara para mabilis na maibalik sa normal ang ating lipunan. Mahalagang magkaroon agad ng konklusyon ang tale of the tape investigation ng walang bahid ng partisan politics. Hindi lang ang integrity ng kamara ang nakasalalay dito. Pati na ang iba’t-ibang government institutions lalong lalo na ang Panguluhan ng bansa.

Sa isyu ng pagbabagsak ng Piso at stocks
Ito na ang pinangangambahan natin ang negatibong epekto sa financial market mula sa kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng gobyerno.

Bumagsak ng mabigat ang halaga ng piso sa halos magbreak na sa 56 na level at mahigit na 50 points naman ang bagsak ng composite index ng stock market.

Ito’y dala ng nerbiyos ng mga negosyante dahil sa ingay na dulot ng mga kalaban ng Pangulo. Ang kawalan ng katiyakan sa gagawing hakbang ng mga ito ang nagpabagsak muli sa piso at nagpababa ng trading sa stock market.
Alam natin na ito’y pansamantala lamang lalo pa’t buo na naman ang tiwala ng mga negosyante sa Pangulong Arroyo. Makadaragdag ng kanilang kumpiyansa ang pagkakaisa ng maraming sektor sa pagtutol sa anumang extra-constitutional measure para tapusin ang kasalukuyang problemang politikal.

Sa pagpanaw ni Cardinal Sin
Ang buong bansa ay nagluluksa sa pagpanaw ng isang haligi ng demokrasya at kasaysayan ng bansa. Ang inspirasyon na ibinigay ni Cardinal Sin sa ating mga Pinoy ay hindi mapapantayan. Bagamat umani ng batikos sa kanyang pagiging vocal sa politika, hindi maitatanggi ang naging mabigat na impluensya ng Kardinal sa pagbabago ng takbo ang ating pamumuhay. Itinuturing niyang moral responsibility ang gabayan ang mamamayan para makapili ng mahusay na liderato. Ang taglay na kakaibang karisma ni Cardinal Sin ay namumukod-tangi sa lahat ng lider ng simbahan. Tunay na malaking kawalan ang pagyao ng “Great Liberator” na mag-iiwan ng puwang sa puso nating lahat. (PIA Ilocos)

Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=86568.0
Romans 10:9-10
"If you declare with your mouth, Jesus is Lord, and believe in your heart that God raised him from the dead, you will be saved. For it is with your heart that you believe and are justified, and it is with your mouth that you profess your faith and are saved."

personal015320100 - Imbestigasyon ng Kamara sa tapped conversation - Philippine Archive

pCloud Premium


Share via facebook Share via linkedin Share via pinterest Share via tumblr Share via twitter

 

Booking.com

Latest Topics

Font matters, indeed... by hubag bohol
[August 19, 2018, 06:37:09 PM]


Clever designs by hubag bohol
[August 19, 2018, 06:31:40 PM]


Pareidolia by hubag bohol
[August 19, 2018, 06:23:27 PM]


Being Parked On a Back Road Is No Time For Secrets by balong
[August 18, 2018, 07:55:39 PM]


The Sad Eggplant by islander
[August 16, 2018, 06:23:51 PM]


Bisaya Prayer Before Exam by MIKELIGALIG.com
[August 15, 2018, 02:00:34 PM]


My precious... by hubag bohol
[August 13, 2018, 10:29:09 PM]


Yogalutaw by hubag bohol
[August 13, 2018, 10:05:10 PM]


High five buddies by hubag bohol
[August 13, 2018, 09:56:18 PM]


The Effects of Emotions on the Body by hubag bohol
[August 13, 2018, 09:48:41 PM]

SMF spam blocked by CleanTalk
pCloud Premium
Powered by SMFPacks SEO Pro Mod | Sitemap
Mobile View
SimplePortal 2.3.7 © 2008-2018, SimplePortal