Marami pa ang may tiwala sa Pangulo - Bunye
Cotabato City (1 July 2005) -- Ang bugso ng damdamin na ipinakita ng mga detractors ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng pag-amin at paghingi nito ng kapatawaran dahil sa pakikipag-usap sa isang opisyal ng Commission on Elections pagkatapos nang halalan noong 2004 ay masyado umanong malayo sa kapatawarang ipinagkaloob sa Pangulo ng mga pangkaraniwang mamamayan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, marami pang malalaking problemang kinakaharap ang ating bansa.
Sa kabilang ng economic hardships na kinakaharap ng ating bansa, naniniwala pa ang maraming Filipino sa kakayanan ng Pangulong pamunoan ang bansa at ipagpatuloy ang economic gains na ating natamasa sa ilalim ng kanyang liderato.
Dito sa lungsod ng Koronadal, sinang-ayonan ng ibang mga mamamayan ang kahilingan ng Malakanyang na ihinto ang congressional inquiry na isinasagawa ng kongreso hinggil sa wire-tapping controversy.
Anila, may marami pa umanong economic reform bills na nakabinbin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na napabayaan lamang dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon na isinasagawa ng kongreso. (ATRUDA)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89214.0