IV.
Mulâ nang unang gabà na kanyáng pagsamyô nang layaw sa kandun~gan n~g
magandáng Pati, si Sawî ay nanumpâan nang magÃng isá sa lalòng masikap
na kampón n~g _diosa_ TerpsÃcore.
Siyá'y isáng pusakál nang mánanayaw.
Ang m~ga aklát na dati niyáng kaulayaw pagdatÃng n~g gabÃ, n~gayó'y
siyáng m~ga matalik niyáng kaaway.
¡Ni isáng sulyáp man, ni isáng saglÃt pang pakikinÃg sa kanilá!...
Ang lahát nang kanyáng panahón ay lúbusang ipanaubayà na sa m~ga alÃw
n~g sandalî.
At ang kanyáng káluluwá, parang isáng katawáng kulang at salát sa
pagkain, untîuntî nang nanunsiyami, untîuntî nang nalúluoy, untîuntî
nang naÃinÃs sa dilÃm na noó'y bumábalot sa kanyáng maulap na lan~git.
At mulà noó'y walâ nang ibáng pinan~gápan~garáp kundî magpakalasÃng sa
paglagók sa alak n~g pag-ibig sa m~ga maninipis at mapupulâng labì n~g
kanyáng marilág na Pati.
Si Pati, pará sa kanyá'y siyá nang lahát: pag-asa, ligaya, pag-ibig,
kaluwalhatìan....
¡Oh, ang makamandág na binhî, ang pag-ibig sa isáng salarÃng katulad
ni Pati, ay lumagô at nag-ugát sa pusò ni Sawî!
Minsán, sa isáng pag-uusap nilá, ay malinaw na nápalarawan ang
kadakilà an n~g kanyáng pag-ibig sa magandáng mánanayaw:
--Pati, Pati ko aniya,--¿tunay bang akó'y iyóng minamahál?
Si Pati, sa ganitóng kahalin~gán n~g binatà , ay minsáng namuwalan sa
bugsô n~g isáng pagtawang inimpÃt.
--Sumagót ka, Pati ko, sumagót ka sana.
--Oo--ang bigáy-loób n~g mánanayaw--óo, Sawî ko, gÃliw kong Sawî,
minámahal kitá.
--¿Gaya kayâ n~g pagmamahál ko sa iyó?
--HigÃt pa; makálilibo pang mahigÃt. InÃibig kitá paris n~g pag-ibig
n~g bulág sa araw, inÃibig kitá paris n~g pag-ibig n~g isdâ sa tubig,
inÃibig kitá paris n~g pag-ibig n~g banál sa Dios. ¿NasÃsiyahán ka ná?
--Pati, Pati ko. ¿tunay ang iyóng sinabi?
--Paris n~g katotohanang madilÃm ang gabÃ, may init ang araw, may
lamÃg ang buwan; paris n~g katotohanang akó ay may pusô, ikáw ay may
atáy; paris n~g katotohanang ikáw ay maganda, akó ay pan~git.
--Pati, Pati ... at tinutop ang kanyáng dibdÃb na tila ibig máwalat sa
pitlág n~g pusòng noón ay dumanas n~g dî gágaanong alÃw.
At bago pinigilan si Pati sa manipÃs niyáng baywáng, hinagkán sa noó
n~g isáng matunóg at mahabà ng halÃk at....
--Pati ko--ang turing--¿narÃrinÃg mo ba ang masinsÃng tibók n~g aking
káluluwá? ¿Hindî? ... pakinggán mo: sinásabi niyáng ikáw raw ang
kanyáng búhay, ikáw raw ang kanyáng ligaya, ikáw raw ang kanyáng
lan~git ... ¿nálalaman mo na?
--¡Namán!
--At sinabi pa niyáng--ang patuloy ni Sawî na tila hindî pansÃn ang
«namán» ni Pati--at sinásabi pa niyáng siyá ay nagtayô n~g isáng
dambanà sa lalòng lihim na pitak n~g aking damdámin, dambanà ng
sinabugan n~g mapuputîng sampagita upáng suubÃn sa kanyáng mahinhÃng
halimuyak ang larawan n~g isáng babae, n~g isáng banál, n~g kanyáng
magandáng Pati....
* * * * *
Ang _lintâ_, pagkatapos n~g isáng linggóng pananabÃknabÃk sa dugô n~g
kulang-palad na si Sawî, ay hindî na nakatiÃs.
--¡Dapat na siyáng magbayad!
At mariÃng ikinápit ang kanyáng matatalÃm na n~gipin sa bulsáng saganÃ
sa pilak n~g walâng malay na binatà :
--Sawî ko, gÃliw kong Sawî, bigyán mo akó n~g limáng piso upáng
máibilà ko n~g barò.
Ang hinin~gán ay latág ang palad na sumagót:
--Náritó, mutyâ ko, tanggapÃn ang hinÃhin~gî mo.
Nagdaán ang unang araw; dumatÃng ang ikalawá.
Ang lintâ, ang matakaw na lintâ, ay mulîng sumigÃd na namán:
--Sawî ko, gÃliw kong Sawî, bigyán mo akó n~g sampûng piso na máibilÃ
ko n~g saya.
¡Sampûng piso na n~gayón!
Gayón man, si Sawî ay hindî rin tumanggà sa gayóng pag-Ãibayo n~g
halagá. At....
--Náritó, mutyâ ko, tanggapÃn ang hinÃhin~gi mo.
Nagdaán ang ikalawáng araw at dumatÃng ang ikatló.
At ang lintâ, ang lintâng kailán ma'y hindî na yatà masÃsiyahán, noón
ay pamulîng sumigÃd na namán nang sigÃd na lalòng mariÃn pa kay sa
m~ga una, lalò pang malakás; at....
--Sawî ko, gÃliw kong Sawî--na namán bigyán mo akó n~g dalawáng-púng
piso na maibilà n~g sapÃn, pulbós, paban~gó, medias at....
¡Dalawángpûng piso na!
Dapuwà 't si Sawî, ang magarà ng si Sawî, ay dumukot pa rÃn sa kanyáng
supot na malamán:
--Náritó, gÃliw ko, ang sagót na namáng tila hindî pansÃn ang kanyáng
pagkakápalaot--náritó ang hinÃhin~gî mo.
At hindî sa lamán lámang humáhanggá ang kirót n~g m~ga kagát ni Pati,
n~g lintâng si Pati, sa katawáng namúmutlâ na n~g binatà , kundî
hanggáng sa m~ga butó pa, na pinagtiinán n~g kanyáng matatalÃm na
n~gÃpin.
Minsán, sa kaniláng pagsasarilÃ, si Sawî ay nagpakasawà ng magdampî n~g
m~ga labì niyá sa m~ga namumúrok na pisn~gi ni Pati. Itó, pagkatápos
maparaán ang gayóng kahiban~gán n~g binatà , ay tumanóng na may halòng
birò:
--¿Iláng halÃk ang ibinigáy mo sa akin?
Si Sawî, lasÃng sa m~ga sulyáp ni Pati, sa sin~gaw n~g kanyáng malusóg
na katawán, ay sumagót na dî magkangtututo:
--Isá ... dalawá ... tatló ... apat ... sampú, labÃnglimá ... ¡marami!
¡¡maramingmarami!! ... aywán ko na ba kung ilán.
--Báwa't halÃk ay babayaran mo n~g piso.
--¡Piso!...
¿Saán hindî masasaid ang bulsá ni Sawî sa ganitóng pamamaraán ni Pati?
Ang bariles, punôngpunô man, pag hindî naampát ang paglabás n~g tagas
ay dáratnán din n~g pagkatuyô.
At gayón ang nangyari sa kulang pálad na binatà : untîuntîng naubos
ang yaman, baytángbaytáng na bumabâ sa kailalimang pinagháharìan n~g
dilÃm, dilÃm n~g pananalát, dilÃm n~g karálitâan.
¿Anó pa ang kanyáng gágawÃn? ¿Man~gutang? ¿Magsanlâ? ¿Magpalimós?
Tila salun~gát sa pagkatao niyá ang m~ga ganitóng gawâ.
N~gunì't ¿paano si Pati? ¿paano ang kanyáng pag-ibig kay Pati?
Mangyáyaring siyá'y uminóm n~g luhà , n~g sarilingluhà , bagamá't
masakláp; mangyáyaring siyá'y magtiÃs n~g gutom; dapuwà 't ¡iwan si
Pati, iwan pa si Pati! ... Ang gayó'y tunay na dî niyá maáatÃm, pagkâ't
si Pati ang kanyáng «pag-asa,» si Pati ang kanyáng «luwalhatì,» si
Pati ang kanyáng «buhay,» si Pati ang araw n~g kanyáng káluluwá, si
Pati ang init na nagbÃbigay siglá, lakás at tibók sa kanyáng pusò.
¡Oh, si Pati ay isáng halaman at ang pusò niyá'y isáng halamanan!
At ang halama'y nag ugát at hindî na mangyáyaring bakbakÃn pa sa
lupà ng kinátutubùan kundî isásabog ang lupà ng iyán; ¡at ang lupà ng
iyá'y ang pusò ni Sawî!
M~ga iláng araw nang siyá'y hindî sumÃsilay sa bahay ni Pati dahil sa
dináranas niyáng pananalát. ¿Saán pa siyá magnánakaw n~g pilak na
ikasúsunód sa pithayà n~g babaeng itó?
--¡Ah, mabuti ay magsanlâ na!
At nagsanlâ.
At naúbusan na namán.
Nan~gútang: naúbos din.
At nanghin~gî: gayón din.
--¡Oh! ¿anó pa ang aking gágawÃn?
¿Sumúlat sa kanyáng m~ga magúlang?
N~gayó'y walâ na siyáng amá, walâ na siyáng iná, ni kapatÃd, ni
kamaganakan. Lahát ay sumawà na sa kanyá. ¡Siyá'y itinatákuwÃl n~g
kanyáng m~ga pinagkákautan~gan n~g buhay!
¿At sinong banál na m~ga magulang ang hindî tátalikód sa m~ga anák na
paris niyá?
Lusakin ang kaniláng dan~gál pagkatapos maubos ang pilak na kaniláng
natipon sa tulong n~g tiyagâ at walâng humpáy na pakikiagaw sa
masun~git na kabuhayan; kaladkarÃn ang kaniláng pan~galan sa
lansan~gan, payurákyurakan sa bálana, ipakutiyâ-kutiyâ, ¡oh, anóng
gaming-palà sa kaniláng pagmamahál!
At hindî pa rito lamang humáhanggá ang pagkapariwarà ni Sawî: mulâ
nang siyá'y magkábaónbaón na sa utang, mulâ nang siyá'y magÃng
maghihin~gì, mulâ nang siyá'y magÃng karumaldumal na pag-uugalì, ang
m~ga dati niyáng kasama sa páaralán, ang m~ga dati niyáng kasama sa
m~ga pasyalan, ang m~ga dating nagbÃbigáy sa kanyá n~g pamagát na
katoto, ay isáisá nang nan~gilag sa kanyá, isá-isá nang natakót, paris
n~g paglayô't pan~gin~gilag sa isáng may sakÃt na nakaháhawa.
At lalò pa mangdÃng nag-iibayo ang hapdî n~g m~ga ganitóng kasawîan
kung siyá'y nakakasalubong sa daán n~g m~ga dating kakilala na
pagkakákita sa kanyá'y walâ nang ibáng pan~gunang batì kundî ang isáng
halakhák, ang isáng mutunóg na halakhák, ang isáng n~gitî, ang isáng
mapagkutiyâng n~gitî; n~gitî at halakhák na kung minsa'y sinásabayán
pa n~g isáng pagdalirì sa kanyá at n~g m~ga salitâng:
--Nariyán ang hampás-lupà .
Bawà 't bigkás na ganitó'y isáng palasô namáng tumitimò't sumúsugat sa
kanyáng pusò, sugat na labis nang hapdî sugat na labis nang anták.
--¡Limutin ko na kayâ si Pati! ... ang takót na naisanggunì sa sarili,
nang minsáng siyá ay náhihigâ na.
N~gunì't ¡oh, pagkakataóng labis n~g sun~git!
Nang siyá'y na sa m~ga ganitóng paghahakà , ay siyáng pagkárinÃg sa
kanyáng pintùan n~g tawag n~g isáng boses na kanyáng ikinápaban~gon.
--¿Sinó?--ang tanóng sa tumawag.
At lumapit sa pintûan na noó'y minsáng bumukás sa tulak n~g dalawáng
malakás na bisig.
--¡Si Tamád!--ang nasambitlâ agád ni Sawî nang mákita ang dumatÃng.
--_El mismo_, ang sagót n~g sinambÃt--akó n~gà .
Si Sawî, pagkakita sa taong itó na nagÃng sanhî n~g kanyáng
pagkakápalun~gì, ay minsáng dinalaw n~g poót, nan~gunót ang mapalad at
mataás na noó, nanlÃsik ang dalawáng matá na nápatulad sa dalawáng
apóy, at....
--¡Tamád!--ang sigáw na kasing-tunóg n~g kulóg--¡láyas, láyas sa bahay
ko!...
Nágulat si Tamád.
¿Bakit gayón ang pagkakásalubong sa kanyá n~g dáting magiliw na
katoto? ¿anó ang nangyari?
--¡Tamád! ang nárinig pa niyáng ulit ni Sawî--¡láyas, láyas sa bahay
ko n~gayón dÃn!
Si Tamád, pagkaraán n~g sandalîng pagkakápamanghâ, parang kawal na
pinagsaulán n~g ulirat, pagkaraán n~g unang ulán n~g punlông kaáway,
ay patawá at paaglahìng tumanóng:
--_Chico, chiquito_, ¿bakit ka nagkakáganyán?
--Tamád: huwág nang sumagót. Iwan ang báhay ko n~gayón din.
--¡Báh, kung akó'y walâng sadyâ sa iyó!...
--¿Sadyâ? ¿anông sadyâ pa ang sinásabi mo?
--Akó'y pinaparito _niyá_--ang matuling sagót n~g bugaw ni Pati--akó'y
pinaparito NIYA, ang ulit pang nang-lalakà ang boses at sakâ minalas
malas ang kanyáng kausap na tila bagá warìng sinúsukat ang kanyáng
m~ga pananalitâ.
Ang dating namúmulâng mukhâ ni Sawî, noón ay namutlâ.
¿Sinóng _niyá_ ang sinásabi ni Tamád? ¿Si Pati?
¡Oh, pan~galang walâng kasingtamÃs, Venus na walâng kasinggandá!
NápansÃn ni Tamád ang ganitóng pagbabago ni Sawî, kayâ't nagpatuloy
n~g pagsasalitâ.
--Akó'y inutusan _niyá_ rito upáng sabihin sa iyóng ...--at ang patalÃm
ay untîuntîng ibinaón sa pusò ni Sawî hanggáng sa itó'y dumatÃng sa
m~ga sandalîng humin~gî n~g tawad kay Tamád sa kanyáng pagkápabiglâ.
--IpagpaumanhÃn mo, kaibigan, ang aking pagkakámalî: ¿anóng bilin niyá
ang dalá mo sa akin?
At buông pananabÃk na inulit-ulit ang ganitóng tanóng:
--Ipinagbilin niyá sa akin ang paós at marahang paklà n~g inúusisÃ
--na sabihin ko sa iyóng ikáw raw ay nagmámalakà n~gayón....
--¡Nagmamalaki!...
--Kung nálalaman mo kung gaanong luhà , ang itinapon ni Pati n~g dahil
sa m~ga iláng araw na hindî mo pagdalaw sa kanyá....
--Luhà , lumuhà si Pati n~g dahil sa akin?
--Lumuhà n~g dahil sa iyó. Pagkâ't kung dî akó namámalî, ay ... tila,
tila may hináhabol sa iyó.
--¡Ang _puri_ niyá!--ang náibulóng ni Sawî sa sarili.
¡Puri! ... mainam na puri ang sa isáng talimusák.
Samantalang si Sawî ay natÃtigilan sa m~ga ganitóng pag-Ãisip, si
Tamád, sa kanyáng sarili'y walâng hintô namán n~g kábubulóng:
--¡Talagáng _martir_ n~gà ang binatáng itó! ¡iláng sun~gay ang na sa
ulo niyá! ¡mahigÃt pa sa isáng demonio sa impierno!
Pagkatapos ay hinaráp na pamulî ang kanyáng dinalaw at ang m~ga hulÃng
bigkás:
--Sawî: bukód sa pasabi ni Pati, ay nárito ang isáng sulat niyáng
ipinadádalá sa iyó....
At yumao nang walâng liwagliwag.
NanabÃk si Sawî na binuksán ang liham.
Doó'y nabasa niyá ang sumúsunód:
Ibon ko:
_Mag-iisáng linggó na n~gayóng akó'y inúulila mo sa laot n~g m~ga
himutók at pagluhà . ¡Isáng linggóng hindî ka mákita, pará sa aki'y
isáng linggóng pagkamatáy n~g Dios!_
_¿Nálimot mo na kayâ ang kulang palad na si Pati? ¿nálimot mo na kayâ
ang abâng mánanayaw, pagkatapos manakaw ang kanyáng PURI? ¿nálimot mo
na kayâ ang m~ga dakilà ng sandalî na dinanas sa kanyáng piling?
¿nálimot mo na kayâ ang m~ga dampî n~g labì mong ibinakás sa aking
m~ga pisn~gi, m~ga dampîng hanggá n~gayó'y nararamdamán kong wari'y
nag aalab pa sa apóy n~g pag ibig? ¿nálimot mo na kayâ ang m~ga
sandalîng sinamyô sa aking kandun~gan, sa nin~gas n~g aking m~ga
suliyáp, sa lambing n~g aking m~ga n~gitî, sa tunóg n~g aking m~ga
halÃk?_
_¿Nálimot mo na ba?_
_¿Nálimot mo na ba ang gabÃng yaón na ikáw ay máhimláy sa m~ga
bisig ko na, minsán, makalawá't maikatlóng AWITIN ang m~ga tagumpáy ni
Kupido? ¿nálimot mo na ba ang sandalîng yaón na iyóng isinimsim sa
m~ga labì ko n~g walâng kasingtamÃs na pulòt n~g pag ibig? ¿nálimot mo
na ba ang m~ga sandalîng yaóng katasin sa m~ga labì ko ang alak na
nakalálasÃng ni Kupido?_
_¿Nálimot mo na ba?_
_¿Nálimot mo na ba ang m~ga sandalîng, sa bugsô n~g iyóng nag aapóy na
damdamin ay sinabi mo sa aking: «Pati, ikáw ang pusò ko, ikáw ang
buhay ko, ikáw ang diosa ko»?_
_¿Násaan ang pagtupád sa m~ga ganitóng pan~gakò?_
_¡Ay, Sawî! ¡ay, ibon ko! pumarito ka't sa lahát n~g oras ay bukás na
áabutan mo ang haulang nagÃng pugad n~g ating m~ga ginintûang
pan~garap n~g ating m~ga ligaya't alÃw!_
ANG KALAPATI MO.
Si Pati, babaeng walâng káluluwá kundî pawà ng lamán, ay nátutong
magtirik n~g m~ga karayom sa m~ga talatang itó n~g kanyáng liham, m~ga
karayom na siyáng dumurò at sumigÃd sa hayop, sa maban~gis na hayop,
na inÃin~gatan in Sawî sa pusò: ang pag-ibig sa kanyá.
At noó'y isaisáng nagban~gon sa alaala n~g binatà ang m~ga gunitâ n~g
nagdaán, parang m~ga patáy na sa tawag n~g Mánunubos ay mulîng
nagsilabás sa hukay n~g libin~gan.
At ang ganid, ang ganid na alagà ni Sawî sa kanyáng pusò, ay minsáng
nagban~gon, uman~gil, pumalág, hanggáng sa si Sawî ay mapatindÃg sa
pagkakáupò at ulit na masabing:
--¡Pati, Pati, papariyanán kitá!...
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=114369.0