EVAT walang epekto sa preyo ng bilihin - Bunye
Cotabato City (3 July 2005) -- Tiniyak ng Malakanyang na hindi makaka-apekto sa presyo ng mga pangunahing bilihin ng ating pamilihan ang implementasyon ng Expanded Value-Added Tax.
Ayon kay Presidential spokesman Ignacio Bunye, mahalaga ang E-VAT upang maisalba ng pamahalaan ang pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.
Ginawa pa nitong halimbawa ang pag-alis ng tariffs at excise tax sa mga inaangkat na produktong petrolyo upang mapagaan ang burden ng naturang tax measures.
Idinagdag pa ni Bunye na kinakailangan n gating pamahalaan ang karagdagang revenue upang mapunoan ang kaban n gating bayan at maaakit ang mga mamumuhunan na maglagak ng kanilang puhonan dito sa Pilipinas.
Layunin ng E-VAT LAW na maisakatuparan at mapalawak ang mga social services at mga pangunahing proyektong pang-inprastaktura at maipagpatuloy ng Administrasyong Arroyo ang mga parogramang naglalayong labanan ang matinding kahirapang dinaranas n gating mga mamamayan. (ATRUDA)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=89445.0