Pag-amin ng Pangulo, pinuri
Cotabato City (29 June 2005) -- Ang pag-amin ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang taped conversation sa isang Comelec official at paghingi niya ng paumanhin sa sambayanan ay nagpakahulugan ng isang katatagan, tibay, at lakas na nararapat na kakikitaan sa isang lider ng bansa sa gitna ng kasalukuyang umiiral na situasyon
Ito ang ang ipina-abot na salita ng Malacanang officials makaraang humarap ang Pangulo sa sambayanan noong lunes at tanggapin ang responsibilidad.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Press Secretary Ignacio Bunye na nangangahulugan ito ng katapatan ng Pangulo sa gitna ng kakapusan sanhi ng di inaasahang 'lapse of judgement.'
Napapanahon na upang harapin natin aniya, ang mga importanteng bagay para sa ikabubuti ng ating bansa, ngayong nagpapatuloy ang suporta ng Gabinete at mga mamamayan sa adhikain ng Pangulong Gloria na maibalik muli ang sigla ng ekonomiya ng bansa, dagdag pa ni Bunye. (Cecil Cadorna)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=88237.0