Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Mga kampon ng kadiliman  (Read 971 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Mga kampon ng kadiliman
« on: November 08, 2012, 11:05:51 AM »
Balanse lagi ang Salita ng Diyos sa Bibliya. Kaya nga po, lagi nating sinasabi: Importanteng makita natin ang buong larawan ng plano ng kaligtasan ng Diyos para sa buong mundo, para maunawaan po natin kung papaano tayo dapat mabuhay habang inaabangan natin ang Ikalawang Pagparito ni Cristo Jesus o ang tinatawag na “Second Coming”.


Ang sabi ng apostol Juan sa kanyang sulat sa mga Kristiyano noong unang siglo ng Kristiyanismo: “Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo upang inyong malaman na kayo’y mayroong buhay na walang hanggan sa inyong nananampa­lataya sa pangalan ng Anak ng Diyos.” (1 Juan 5:13)
Ipinaliwanag niya sa 1 Juan ang mga katangian ng isang tunay na Kristiyano, at nagbigay ng mga bilin. Mangag-ibigan dapat ang bawat isa sa isa’t isa. Lumakad dapat sa liwanag ng katotohanan ni Cristo ang bawat isa.


“Kung sinasabi nating tayo’y may pakikisama sa Kanya, at tayo’y lumalakad sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi natin ginagawa ang katotohanan. Ngunit kung tayo’y lumalakad sa liwanag, na tulad Niya na nasa liwanag, may pakikisama tayo sa isa’t isa at ang dugo ni Jesus na Kanyang Anak ang lumilinis sa atin sa lahat ng kasalanan.” (1 Juan 1:6-7)


Basahin po natin iyan nang paulit-ulit. Klaro naman po, ‘di ba? Ang nagsasabing siya’y Kristiyano ay dapat na HINDI lumakad sa kadiliman. Siya’y dapat na sumunod sa landas ng liwanag, dahil ang kanyang Cristo ay Diyos ng Liwanag. Walang anumang kadiliman kay Jesus.


Kapag si apostol Juan ang kukunsultahin natin tungkol sa kung ano at sino ba ang tunay na mga anak ng Diyos, simple lang ang sasabihin niya. Sila ‘yung mga nananampalataya na si Jesus ang Cristo o Mesias. Sila rin ang mga nagpapasakop sa awtoridad ng Kanyang mga Salita, kung kaya’t nagagawa nila ang mamuhay nang tama, nang malinis, nang may kabanalan sa harap ng Diyos at ng tao, nang may tunay na pag-ibig para sa iba. Hindi perpekto ang mga tunay na anak ng Diyos. Nagkakasala rin sila. Pero ang pangkalahatang direksiyon ng kanilang mga buhay ay patungo sa liwanag, dahil ang Jesus na kanilang sinusundan ay Diyos ng Liwanag.


Kaya po, mai-imagine ninyo ang pagkadismaya ko habang nanonood ako ng isang exposé tungkol sa isang sikat na televangelist sa Amerika. Sobrang yaman ng ministeryo ng pastor na ito, dahil marami ang kanyang naiimpluwensyahang magbigay ng pera.


Kung bumiyahe si Pastor sa iba’t ibang panig ng mundo, naka-private jet. Sagot ng ministeryo niya ang anumang extra allowance o pabuya na ibinibigay niya sa kanyang anak at sa mamanugangin. Tumatabo ng libu-libong dolyar ang mga miyembro ng kanyang pamilya dahil dito. Ang mga kasuotan ni Pastor ay puro nasa libong dolyar din ang halaga. Sa Beverly Hills namimili. Versace.

Benetton. Louis Vuitton. Nakalimutan ko na ‘yung ibang mga brand na binanggit pero siguradong malulula ka sa suma total ng lahat-lahat ng kanyang mga binibili nang isang bagsakan lang.


Saan galing ang mga pera? Sa mga milyun-milyong mga pobreng ordinaryong nilalang na matiyagang pumipila sa kanyang mga krusada para lang makatanggap ng healing o kagalingan ng kanilang mga sakit. Marami sa kanila, naka-wheelchair pa kapag dumadalo sa mga mataong krusadang iyon.


Hindi mo mahulugan ng aspile sa dami.


Pampalubag-loob sana kung hindi nanggagantso si Pastor. Pero ito kasi ang pahayag ng isa sa dati niyang mga security officers nu’ng interbyuhin para sa dokumentaryong iyon:


“Umalis ako sa pagtatrabaho sa kanya nang madiskubre kong niloloko lang niya ang madla. Pinipili nila ‘yung mga paaakyatin sa entablado para magpatotoo tungkol sa paggaling ng kanilang mga sakit. Kadalasan, mga hindi naman totoong gumaling ang kanilang sakit dahil sa krusadang iyon.


“‘Yung mga matitindi talaga ang sakit, ‘yung mga malalala, hindi nila ipinapakita sa kamera. Du’n lang nila itinatambak sa gilid. Dumating ang panahon na hindi ko na talaga masikmura ang kanilang ginagawa, kaya umalis ako.”


Ang sabi ni Pastor ay ine-enjoy lang niya ang mga “blessing­s” o pagpapalang pinauulan sa kanya ng Diyos. Pero agree ako sa komentarista. Si Pastor ay isang Lingkod ng Panginoong Jesus, sumusunod sa yapak dapat nina apostol Pablo, Pedro, at Juan (kung tunay nga siyang tinawag upang maglingkod sa ubasan ng Diyos).


Nai-imagine mo ba ang apostol Pablo na naka-Versace at Louis Vuitton? Wala ni-isa sa mga apostol ang nagpayaman ng sarili nu’ng panahong sila’y naglilingkod pa sa lupa.


Kaibigan, maging maingat tayo, kung ganoon. Hindi lahat ng nagpapahayag na sila’y mga Kristiyano ay totoo ngang mga Kristiyano. Katulad ng nakasaad sa 1 Juan 1:6-7, makikita mo ang mga tunay na anak ng Diyos sa pama­magitan ng kanilang mga gawa at pamumuhay. Pag-isipan po natin ito nang mabuti, at sundan ang tamang landas.

Shalom and God bless!


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=56719.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

hubag bohol

  • AMBASSADOR
  • THE SOURCE
  • *****
  • Posts: 89964
  • "Better to remain silent and be thought a fool...
    • View Profile
Re: Mga kampon ng kadiliman
« Reply #1 on: June 10, 2015, 06:13:51 PM »
...than to speak out and remove all doubt." - Abraham Lincoln

Book your travel tickets anywhere in the world, go to www.12go.co

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts