Updated December 18, 2008 12:00 AM
Isang fetus na may gulang na 2 hanggang 3 buwan ang kaÂmuntik nang maapakan ng mga nagsimbang gabi, sa Quiapo, Maynila matapos iwan sa tabi ng isang basuraÂhan, kahapon ng madaling-araw.
Sa ulat ni Det Denito CaÂbatÂbat ng Manila Police District MPD)-Homicide SecÂtion, daÂkong alas-4:30 ng madaling-araw nang madisÂkubre ng isang parking boy ang isang kahon na kinalaÂlagyan ng fetus sa haraÂpan ng Quiapo Church at MerÂcury Drugs, sa may panulukan ng Quezon Blvd. at R. Hidalgo St., Quiapo.
Ayon sa parking boy, naÂpansin nito ang isang kahon sa tabi ng nasabing basuraÂhan sa akalang may laman na pakikinabangan ay binuksan niya ito subalit tumambad sa kanya ang isang asul na panty ng babae na dito ibinalot ang fetus at inilagay din sa plastic bag. (Ludy Bermudo)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=16793.0