𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔!
Isa ang W.L. Foods Corporation sa Valenzuela City sa inireklamo ng mga manggagawa nila sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) dahil sa unfair labor practice.
Nang dahil dito ay ipinarating ng RTIA sa DOLE ang sumbong at agad din namang nagkasa ang DOLE ng inspeksyon kasama ang Senate team ni Sen. Idol Raffy Tulfo bilang Vice Chairman ng Senate Committee on Labor and Employment noong May 26.
Nakumpirma ng DOLE at Senate team ni Sen. Idol ang mga sumbong pagdating nila sa W.L. Foods. Isa sa mga empleyado roon halimbawa ang nagsabi na mahigit isang taon na siya sa kumpanya pero casual pa rin siya at ₱400 lamang ang kanyang sweldo kada araw.
Ilan naman sa mga manggagawa roon na pakyawan at kumikita ng ₱700 kada araw ang nagsabing kinailangan daw nilang magtrabaho ng hanggang dose oras para sa halagang ito.
Pero ayon kay National Wages Productivity Commission (NWPC) Deputy Executive Director Pia de Jesus, wala sa listahan ang W.L. Foods sa nabigyan ng permiso ng NWPC para magpatupad ng piece rate o pakyawan sa kanilang kumpanya.
Ibig sabihin, sa matagal nang panahon ay nalulugi sa overtime pay ang mga manggagawang pakyawan sa W.L. Foods sa halagang ₱348 kada araw. Dahil sa ginawang computation ng DOLE base sa minimum wage, kapag dose oras nagtrabaho ang isang empleyado sa isang araw, kailangan ang maging kapalit nito ay ₱1,048.
Agad na hiniling ni Sen. Raffy sa DOLE na laliman pa ang kanilang imbestigasyon sa W.L. Foods para sa iba pang posibleng labor violations nito at inobliga niya rin ang kumpanya na ibigay ang back wages ng kanilang mga manggagawa sa nalugi nila dahil sa pakyawan at mga casual workers na pinasasahuran ng below sa minimum wage.
Gayunpaman, agad na ipinatitigil ng DOLE sa W.L. Foods ang pagpapatupad nito ng pakyawan system sa kanilang kumpanya hanggat hindi sila nakakakuha ng permit mula sa NWPC.
Sa susunod na hearing sa Senado sa Committee on Labor and Employment, isa ang W.L. Foods sa ipatatawag.
#Tulfo
#RaffyTulfo
#RaffyTulfoInAction
#IdolMoSaSenado
#KakampiMoSaSenado
#NakikinigLumalabanUmaaksyon
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=126232.0