Sa araw na ito noong 1943, ginampanan ng Amerikanong submarine na USS Thresher ang isang mahalagang misyon para tulungan ang mga gerilyang Pilipino na nakikipaglaban sa Kabisayaan laban sa mga Hapones.
Dumating sa Catmon Point sa Sipalay, Negros Occidental ang USS Thresher, sa gitna ng dilim ng gabi, upang umahon at magbaba ng nasa 500 pounds (226.796 kilogramo) ng mahahalagang suplay gaya ng pagkain at baril, at mahigit 40,000 piraso ng bala para sa mga gerilyang taga-Negros, bilang tulong sa kanila sa pakikipaglaban sa mga sundalong Hapones. Nagdala rin ang USS Thresher ng mga Pilipinong commando para pumuslit papuntang Maynila, upang makipag-ugnayan kay noo'y Heneral Manuel Roxas, at mangalap rin ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa aktibidad ng mga pwersang Hapones doon. Matapos ang kanyang misyon sa Pilipinas, bumalik na sa kanyang base sa Pearl Harbor sa Hawaii ang USS Thresher, bago ito tumulak papuntang California. Bahagi lamang iyon ng ikawalong pagpapatrolya ng USS Thresher sa karagatang sakop ng Timog-Silangang Asya, partikular na sa Borneo para isabotahe ang paghahatid ng mga suplay ng langis para sa mga Hapones. Nagawa nitong mapalubog ang isang Hapones na oil tanker sa Makassar Strait sa pagitan ng mga isla ng Borneo at Sulawesi sa Indonesia.
Ang USS Thresher (SS-200) ang itinuturing na Amerikanong submarine noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na nagkamit ng pinakamaraming parangal para sa kanyang mga nagawang misyong pandagat, na mayroong 15 battle stars at isang Navy Unit Commendation. Siya ang isa sa 12 Tambor-class na Amerikanong submarine, na kinomisyon sa US Navy noong Agosto 1940, hanggang sa pinagretiro na ito noong Hulyo 1946.
Sanggunian:
• Naval History and Heritage Command (n.d.). Thresher I (SS-200) 1940-1947. Retrieved July 9, 2022.
https://www.history.navy.mil/research/histories/ship-histories/danfs/t/thresher-i.html#SulyapSaNakaraan
#USSThresher #AmericanSubmarine
#USNavy #WorldWar2
#PhilippineHistory #SocSciclopedia
* * *
Avail of easy and fast online loan at
www.tala.com Philippines
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=122750.0