Inamin naman ni Pangulong Benigno Aquino III na duda siya kung nagkaroon talaga ng shootout sa pagitan ng mga miyembro ng Quezon-PNP at sa 13-kataong napatay sa checkpoint.
Pinaliwanag ni PaÂngulong Aquino na kaya niya ipinag-utos ang malalimang imbestigasyon sa insidenteng ito ay dahil sa kanyang pagdududa sa mga natatanggap na impormasyon hinggil dito.
Sa inisyal na impormasyong nakuha ng PaÂngulo kay PNP chief Director General Alan Purisima, ay napaniwala umano siya na may naganap talagang shootout dahil kahit 13-katao ang napatay sa sakay ng dalawang SUV, may mga sugatan naman sa mga pulis na nagmamando ng checkpoint na patunay na may engkwentro.
“However, I asked for a lot of the details at doon sa details medyo napag-isip na ako doon sa salaysay na ibinigay, at Âbrining-up (bring up) ko ito kay Director General Purisima and (to) Secretary (Mar) Roxas also na to look into what seemingly was not normative or normal behavior,†ayon sa Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na sa checkpoint, ang mga pulis ang pinapaulanan ng bala ng mga kriminal hanggang magkaroon ng habulan. “Dito parang sa checkpoint mismo, naubos lahat nu’ng supposed to be dadakpin,†pahayag ng Pangulo.
“Well, there will be justice. ‘Yung where it will lead to, I cannot tell at this point in time,†dagdag pa nito. (Boyet Jadulco)
15 pulis pinagulong ang ulo
Dahil sa alegasyong rubout at hindi “shootout†o kaya’y ambus ang nangyaÂring insidente na ikinamatay ng 13-katao sa Barangay Lumutan, Atimonan, Quezon, sinibak sa kanilang posisyon ang mga kasangkot na pulis at nirestrikto sa kani-kanilang kampo, ayon kay Department of ÂInterior and Local Government (DILG) Secretary Manuel Roxas II.
Kasama sa mga sinibak si Quezon provincial police director Valeriano De Leon, Supt. Hansel Marantan na lider ng opÂrasyon at kasalukuyang deputy ng intelligence division ng Police Regional Office 4A, at Chief Inspector Grant Gollod, hepe ng Atimonan police.
Binibilang ng team ng Scene of the Crime OpeÂratives (SOCO) ang mga balang pumasok at lumaÂbas sa mga sasakyan ng mga napaslang sa Atimonan, Quezon. (Arnold Bandala)
Ang pagsibak ay batay sa rekomendasyon ng fact-finding committee na binuo ng Philippine NatioÂnal Police (PNP) national headquarters sa pangunguna ni Chief Supt. Federico Castro, deputy director ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sa press conference kahapon, sinabi nina Roxas at PNP chief, Gen. Alan Purisima na lumabag sa standard operating procedure ang mga pulis sa kanilang ‘operasyon’.
Base ito sa resulta ng imbestigasyon ng fact-finding committee ng pulisya.
Ilan sa mga paglabag na naitala ay kawalan ng signage sa ikalawang checkpoint; walang marked police vehicle; at hindi nakauniporme ang mga pulis.
Ipinagtataka rin ng mga superior ni Marantan kung bakit naroon siya sa operasyon, gayung intelligence officer siya.
Sa iba pang kaganapan, nabatid sa imbestigasyon na 15 pulis at 25 naka-fatigue camouflage na sundalo sa pangunguna ni Lt. Col. Monico Abang ang nasa operasyon.
Ang unang SUV ay nagtamo ng 186 tama ng bala, samantalang mga 50 naman sa ikalawang sasakÂyan. P265 libo lang ang narekober na cash sa mga sasakyan; may 15 armas ang narekober dito, kabilang ang 13 lisensiyado at 1 ang walang lisensya at isa ang may mission order ng PNP. Walo rin sa 13 nasawi ang nagpositibo sa paraffin test. (JBSalarzon/Rossel Calderon)
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=64657.0