Tumataginting na P2 milyon ang tinanggap na "pabaon" ng mga Kongresista para sa kanilang bakasyon o session break.
Ito ang ibinunyag ng isang mambabatas na personal na nakasaksi sa pamamahagi ng naturang halaga.
Gayunpaman, binanggit ng source na ang P2 milyon na kanilang tinanggap mula sa Committee on Accounts ay regular allowance sa tuwing nag-be-break ang kanilang sesyon.
Ang kumite ay pinamumunuan ni Cong. Bambol Tolentino.
Ayon naman sa isa pang impormante, personal na nagtungo sa Committee on Accounts ang mga mambabatas upang "i-receive" ang "grasya".
Ang pag-ulan ng P2 milyong "biyaya" sa Kongreso ay nangyari noong Miyerkules, pagkatapos ng sesyon bago ang kanilang bakasyon.
Ito na ang pinakamalaking "pabaon" sa kasaysayan ng Kongreso.
*Work from HOME and launch your own Wordpress blog, business or personal website, or online store at
www.dreamhost.com Yes, FREE Wordpress migration from your existing web host.
START your OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.fastcomet.com - FREE service to transfer your website from your current webhosting provider.
Latest
RSS FeedsLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=116266.0