Capiz 2nd District Representative Fredenil Castro
"Ito bang relasyon ninyo ay nababase sa tinatawag nating pagmamahal?" (Was your relationship based on what we call love?)
"Ang ibig mo bang sabihin na ang pagmamahal na ito ay maituturing na pag-ibig? Ang iyo bang pag-ibig kay Secretary De Lima ay wagas, dalisay, at matatag? Ibig mong sabihin na ayon sa iyong damdamin, ang pag-ibig na ito'y dalisay, wagas, at tapat? Kaya dahil sa pag-ibig na ito na dalisay, wagas, at tapat ay walang dahilan na siya'y ipagkanulo mo o magsabi ka ng hindi katotohanan?" (Do you mean that your relationship can be considered true love? Was your love for Secretary De Lima pure and solid? Do you mean that based on your feelings, this love was pure and honest? And because of this love that was pure and honest, you have no reason to betray her or tell lies?)
"Ang sinasabi mo na hindi nasuklian ni Senadora De Lima ang wagas mong pag-ibig sa kanya ay itong mga huli nang pagkakataon na ang inyong pagmamahalan ay nasa intensity 1 na lang? Subalit noong ang inyong pagmamahalan ay nasa intensity 5, masasabi mo na wagas, tapat, at dalisay din ang kanyang pagmamahal sa 'yo? At dahil sa damdamin na 'yan ay hindi mo maaaring ipagkalulo si Secretary De Lima sa pagsasabi ng hindi katotohanan sa pagdinig na ito?" (You said Senator De Lima did not reciprocate your pure love in the final moments of your relationship, right, when it was down to intensity 1? But when your relationship was at intensity 5, would you say that her love for you was also pure and honest? And because of that, you cannot betray Secretary De Lima by telling lies in this hearing?)
"Sa iyo bang pag-aakala ay naging tapat sa inyong pagmamahalan si Senadora De Lima?" (Do you believe Senator De Lima was honest to your relationship?)
"Ang pagsampal mo kay Secretary De Lima nung nalaman mo na siya ay may kaugnayan sa nagngangalan na Warren Cristobal ay isang pagpapakita ng pagselos dahil sa iyong wagas at dalisay na pagmamahal?" (You slapped Secretary De Lima when you found out that she had a new relationship with Warren Cristobal. Was it your way of showing jealousy since your love for her was pure?)
"Kaya totoo at makatarungan at tapat ang iyong pagmamahal sa kanya?" (So your love for her was true and honest?)
"Ito ay ginawa sapagkat tapat ang iyong damdamin kay Secretary De Lima. Ang ibig mo bang sabihin sa pagdinig na ito na ang iyong relasyon kay Secretary De Lima ay hindi lamang upang saluhan siya na magtampisaw sa pagmamahalan kung hindi siya ay saluhan din sa pagpawi ng init ng katawan?" (You did it because what you felt for Secretary De Lima was true. Are you saying in this hearing that your relationship with Secretary De Lima was rooted not just in love but also in lust?)
Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=83270.0