Dear Dra. Holmes:
Good morning po, doc. May itatanong lang po ako, ano po ba ang muscle control? Pag may ganyan ka po ba na kakayahan na mag-muscle control, hahanap-haÂnapin ka po ba ng lalake doc?
-- Lorena
Dear Lorena:
Maraming salamat sa iyong sulat. Kapag ang pinag-uusapan ay sex at ginagamit ang mga salitang “muscle controlâ€, ang pinag-uusapan nila ay ang pubococcygeus muscle (pc muscle) at anong magagawa nito. Ang pc muscle ay nakikita sa babae at lalake at naka-connect sa ating pubic bone hanggang sa ating coccyx (tail bone -- ‘yung buto sa dulo na nararamdaman natin kapag umuupo tayo). Ang pc muscle ang nagkokontrol ng takbo ng ihi natin. Ito rin ang muscle na nagko-contract (parang kumikirot na masarap) kapag tayo ay nakakarating sa langit.
Kapag ginagamit natin ang mga salitang muscle control, hindi natin ibig sabihin na ang pc muscle ay kinokontrol ang ihi natin. Ang ibig sabihin nito ay na ang pc muscle ay makokontrol ng babae para super lakas ang kapit sa ari ng lalake kapag ito ay nasa loob ng ari ng babae. Dahil masikip ang feeling para sa lalake, siyempre enjoy na enjoy siya.
Ayon sa ibang mga na-interview ko, kaya nilang ipa-ejaculate ang lalake sa pamamagitan lang ng muscle control. Pero kahit hindi ito magawa ng babae, mabuti pa rin kung siya ay may muscle control. Dalawa sa pinakamahalagang dahilan ay ang mga sumusunod:
1. Para hindi siya maÂging sobrang luwag, lalo na pagkatapos niyang makapanganak ng marami-rami (2, 3, 4 na anak). Ang pc muscle kasi ang nagbibigay-lakas sa pelvic floor natin. Ang pelvic floor ay ang nagdadala (?) /nagsasalo(?) ng pelvic cavity natin. Ang pelvic cavity ay ang “bahay†na nagbabahay ng ating mga organs para manganak: ovaries, fallopian tube, uterus, atbp. So, unang-una, ang (pc) muscle control ay mahalaga para sa kalusugan ng tao;
2. Pero ang (pc) muscle control ay mahalaga rin para sa kasarapan ng sex.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=65207.0