Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Kapag ang pangarap ay naging paghahanap  (Read 783 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Kapag ang pangarap ay naging paghahanap
« on: November 12, 2012, 08:13:12 AM »
Dear Kuya Rom,

Pakitago mo ako sa pangalang Lina, edad 23. Ako ay may boyfriend. Siya ang lalakeng masasabi kong “the man of my dreams”.

Maraming araw na magkasama kami. Nang sinagot ko siya, simula iyon ng magagandang bagay na nangyari sa aking buhay. Ang akala ko’y walang wakas.

Pero pagkatapos ng ilang buwan, siya ay nagkaroon ng trabaho sa Qatar. Mula noon ay unti-unting nawala na ang komunikasyon namin. Kapag nag-uusap kami sa Skype, may mga sandaling nag-aaway kami.

Natapos ang kontrata ng boyfriend ko. Umuwi siya at ang akala ko’y magpapakasal na kami. Pero lalong lumaki ang pag-aaway namin. Kahit na kami ganito kagulo, mahal ko pa rin siya.

Sabi ng daddy ko ay ayaw niyang mapangasawa ko ang isang lalakeng magagalitin. Sabi naman ng mommy ko, nabubuhay kasi ako sa pantasya, isang fairytale daw ang perpektong relasyon na pinapangarap ko kaya nagagalit sa akin ang boyfriend ko. Aminado naman ako sa sinabi niya.

Gusto ko pa ring mapangasawa ang boyfriend ko, pero natatakot akong manatili ang pag-aaway namin. Kung ang mga magulang ko ang masusunod, walang kasalang mangyayari. Para sa akin, mahalaga ang blessin­g ng mga magulang sa isang kasal. Pero kung hindi sila boto sa lalakeng gusto kong mapangasawa, maaaring wala ngang kasal na mangyayari. Paano ito, kuya? Thank you so much sa maipapayo mo sa akin. -- Tina

Dear Tina,

Parehas na may puntos ang daddy at mommy mo, pero huwag mong gawing dahilan sila para hindi ka gumawa ng sarili mong desisyon sa iyong buhay sapag­kat may kinakatakutan ka.

Isang mabuting hakbang ang pag-amin mo na mayroon kang bahagi kung bakit nagkakagulo kayo ng boyfriend mo. Pero hangga’t hindi rin inaamin ng boyfriend mo na may parte siya sa gulo ninyong dalawa sapagkat siya ay magagalitin, posibleng manatili ang kinakatakutan mong pag-aaway ninyo na hindi magugustuhan ng iyong mga magulang.

Para sa iyo, kailangang maging makatotohanan ka tungkol sa mga katangian ng lalakeng gusto mong mapangasawa. Walang perpektong tao. Kahit ikaw ay hindi perpekto. Kaya mabuting bigyan mo ng pagkakataon ang iyong boyfriend na magkamali o magkulang, sapagkat ito ang magpapakitang mahal mo siya talaga. Kung may pagkukulang o kasalanan siya sa iyo, patawarin mo siya. Bigyan mo siya ng pagkakataong magbago.

Maaaring ikaw ay sobrang mapaghanap sa kanya dahil sa isip mo, siya ay ang lalakeng pinapangarap mo. Kapag ang pangarap ay naging paghahanap, talagang magkakaroon ka ng problema sa pakikitungo sa iyong boyfriend (o asawa sa hinaharap).


Para sa iyong boyfriend, kung totoong magagalitin siya, kailangan niyang matutunang magpigil sa sarili para maipakita niyang mahal ka niya talaga. May bahagi siya sa problema kaya kailangan niyang magsisi at magbago.

Parehas ninyong isabuhay ang tunay na pag-ibig. Ang pag-ibig ay matiisin at mabait, hindi naghahambog, hindi mapagmataas o magaspang ang ugali, hindi marunong mayamot o magtanim ng galit. Lahat ay tinitiis ng pag-ibig, lahat ay pinagpapasensyahan. God bless you!

Payong kapatid,
Kuya Rom



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=57480.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts