Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Kampi sa beer, kontra sa tabako  (Read 601 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Kampi sa beer, kontra sa tabako
« on: November 14, 2012, 09:09:21 AM »
Galit ba sa Intsik si Secretary Cesar Purisima? Hindi namin alam dahil wala naman siyang dahilan para lumpuhin ang sigarilyo ng joint venture na Fortune Tobacco ni Lucio Tan at ng Philip Morris ng America.


Pero kung titingnan natin ang laki ng buwis na gustong ipataw ni Purisima sa sigarilyo at halos insultong halaga ng ipasasagot sa alcohol, lalo na sa beer, lumalabas na kontra sa Intsik si Purisima.


Matatandaan na sa HB 5727 ni Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, ang hangad na makuhang buwis sa sigarilyo at alak ay P60 billion. Hati ang siga­rilyo at alak. Tig-P30 billion. Sobra ang laki pero pareho ang trato.


Sa pagtalakay ng House ways and means committee, bumaba ang balak na buwis sa alak sa P6 na billion mula sa P30 billion. Bumaba rin ng katiting ang sa sigarilyo, mula sa P30 billion hanggang P27 billion.


Sa madaling salita P3 billion lamang ang binawas sa sigarilyo. Napakalaki ang binawas sa alak, kasama ang serbesa – P24 billion mula sa P30 billion. Pananagutin ang alak ng katiting na halagang P6 billion.
Parehong masama sa kalusugan ang sigarilyo at alak. Marami na ang namamatay sa lung cancer dahil sa 'di mapigil na paghithit. Marami rin ang namamatay sa paglalasing.


Ang diperensya lang, malimit mangyari na buhay ang lasenggo at patay naman ang mga pasahero ng sasakyan na binangga niya dahil sa kalasingan. Ibig kong sabihin, kung mamatay ka sa lung cancer dahil sa paninigarilyo, ikaw ang napahamak. E, kung sobra ang iyong pagkalasing puwede kang makamatay pero buhay ka.


Iyan ba ang katuwiran ni Purisima kung bakit konti lang ang dapat ibuwis ng alak. Baluktot na katuwiran iyan at tahasang pagpapahayag na hindi niya gusto ang mga Intsik tulad ni Lucio Tan na gumagawa ng sigarilyo. Ilokano pa naman si Purisima. May katuwiran na mag-apoy sa galit ang mga nagtatanim ng tabako dahil sa balak ni Purisima.


Kung maging batas ang balak niya, mawawala ang mumu­rahing sigarilyo ng mahihirap dahil tataas ang presyo nito sa laki ng buwis. Sa ganung paraan daw mababawasan ang bilang ng mga may bisyong sigarilyo.


Mahina pala kayong mag-isip. Lalo pang darami ang may bisyo dahil babaha sa bansang Pilipinas ang smuggled na sigarilyo. Mura na blue seal pa. Iyan ang hihithitin ng mga may bisyo. Ang murang halaga at masarap na lasa ng blue seal ang mahihikayat sa mga bata na manigarilyo.


Alam ba ninyo ang pwedeng mangyari kung masunod si Purisima? Una, sabi ko nga, darami ang maninigarilyo dahil mura at masarap ang blue seal na smuggled. Kung ito ang mangyari, mawawala ang murang sigarilyong yari sa tabakong tanim ng mga Pilipino.


Kung ganun, saan kukuha ng P40 billion na buwis sa sigarilyo? Hindi nagbabayad ng buwis ang mga smuggler. Sa bandang huli, dumami ang may bisyo, kumalat ang sakit na dulot ng sigarilyo, malaki ang nawalang buwis dahil sa smuggling.


Ang mahalaga sa lahat ay nawalan ng kabuhayan ang halos tatlong milyong Pilipino na nabubuhay sa tabako.


Handa ba si Purisima na harapin ang malagim na kinabukasang iyan ng maraming Pilipino dahil baka malaki ang galit niya kay Lucio Tan. Hindi naman tama iyan. Personalan na iyan.


Higit pa sa P100 million ang nagastos ni Lucio Tan sa pag-aayos ng mga lumang reservoir bilang paghahanda sa mahabang tag-init. Ang mga ilog sa mga probinsyang nagtatanim ng tabako ay pinada­daloy sa isang ipunan ng tubig para sa tabako.


Wala namang inaasahang gantimpala si Lucio sa ginagawa niya. Tinitiyak lamang na tuloy ang kita ng mga nagtatanim ng tabako at hindi siya mauubusan ng tabako para sa gawaing sigarilyo. Pagkatapos wawalisin na lamang basta ni Purisima ang industriyang tabako.


Naku, baka bumaba sa Maynila at magprotesta ang mga Ilokano na nabubuhay sa tabako. Hindi malayong mangyari iyan.



Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=57716.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts