Ilang oras matapos magwagi sa eleksyon sa Estados Unidos, binigÂyang-diin ni US President Barack Obama ang kahalagahan ng iisang ‘American family’ kahit ano man ang kulay ng balat at antas sa buhay.
“We are an American family and we rise or fall together as one nation and as one people,†ani Obama na tumalo kay presidential candidate Mitt Romney. Kasabay nito ay ang paÂngakong “the best is yet to come†para sa Amerika.
Kahapon ay nakuha ni Obama ang ikalawang termino sa White House, kung saan apat na taon pa itong manunungkulan sa pwesto.
Ito ay kasunod ng mabilis na pag-concede ni Romney sa presidential race.
Si Romney ay kakausapin umano ni Obama para makatuwang sa pagpapalakad sa Amerika.
Ilan sa mga prayoridad ngayon ni Obama ay ang pagpapababa sa kakulaÂngan sa badyet, reporma sa tax code, isaayos ang immigration system at wakasan na ang pagsandal ng US sa foreign oil.
Si Obama, 51, ay ipinanganak sa Hawaii noong 1961 ng black Kenyan at inang puti mula sa Kansas.
Inabandona ito ng kanyang ama noong 2-taong gulang pa lamang. Dinala naman siya ng kanyang inang anthropologist sa Indonesia para tumira sa poder ng kanyang stepfather, ngunit bumalik sa Hawaii noong siya ay teenager na.
Noong 1992, pinakasalan nito si Michelle na katulad niya ay isa ring abogado.
‘Pinas bumati
“The Philippines warmly welcomes the successful holding of the recent elections in the United States. The Philippines and the United States share common and deep democratic values, particularly the right of the people to freely choose their leaders,†ayon sa inilabas na statement ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.
Nagagalak ang Pilipinas sa malaking papel na ginampanan ng mga Filipino sa America sa katatapos na halalan.
Pabor sa Pinoy immigrants
“Mas mabait sila (DeÂmocrats) sa immigrants. Kaya nagse-celebrate ang mga kababayan natin sa America,†reaksyon ni Sen. Panfilo Lacson.
Sinabi naman ni Akbayan party-list Rep. Arlene Bag-ao na masisiguro ang world peace sa loob ng susunod pang apat na taon dahil kay Obama.
“Nagsawa na rin siguro ang mga Amerikano sa pakikipaggiyera kaya ibinoto uli nila si Obama,†ayon naman kay Bayan Muna party-list Rep. Neri Javier Colmenares.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=56718.0