Isang dalagang sari-sari store owner ang pinakabagong miyembro ng 'millioÂnaires club' matapos masambot ang jackpot ng Grand Lotto draw na may premyong umabot sa P95 milyon.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Ferdinand Rojas II, solong nakuha ng 38-anyos na dalaga ang winning combination na 55-38-13-28-41-39 ng Grand Lotto na binola noong Sabado ng gabi.
Nabatid na tumaya lamang P20 ang dalaga at tumataya ito sa pamamagitan ng lucky pick. Pitong taon na umanong tumataya sa lotto ang winner mula sa Laguna.
Plano ng winner na bayaran ang kanyang housing loan matapos makatanggap ng 'forfeiture notice' mula sa bangko na kanilang pinagkakautangan.
Balak din ng winner na ipamahagi ang kanyang napanalunan sa kanyang mga kapatid at mag-invest sa iba pang negosyo.
Nalaman lang winner na napanalunan niya ang jackpot prize ng Grand Lotto nang bumili ito ng diyaryo sa katabi nilang tindahan.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=64394.0