Modelo, pinatay ng kaibigan at boyfriend...
6 na gun-for-hire todas sa Calamba...
Bank exec, mommy at maid, kinatay ng tanod...
Pulis, anak dedo sa riÂding-in-tandem...
Lolo, tinodas ng kapitbahay...
Ito ang balitang sumaÂlubong sa akin matapos ang tatlong linggo kong pagkawala sa bansa. At nangyari ito sa loob lamang ng 24 oras?!?
Ang tanong ng marami, who's in charge?
Wild, Wild, West na ba tayo at ang tawag ng karahasan ang nangingibabaw? Sobrang lupit na ba at halang ang kaluluwa ng mga modernong kriminal?
Kung susuriin ang baÂwat krimen na nabanggit sa kolum na ito, iisa lamang ang pinag-uugatan -- droga at kahirapan.
Hanggang ngayon 'di ko maunawaan kung bakit ang mahihirap pa ang lulong sa droga? May kamahalan ngayon ang ipinagbabawal na gamot kaya't kailangan nilang magnaÂkaw para masuportahan ang kanilang bisyo.
Doon na pumapasok ang demonyo sa utak ng mga sugapa. GamunggÂo ang tingin sa kapwa at mapurol ang respeto sa iba.
Ang malungkot pati ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na dapat ay manguna sa pagsawata sa mga sindikato ng droga, ay tila pinaglaruan din ng kasalukuyang mga namumuno sa atin.
Pero balikan ko ang tanong ko -- sino ang may kontrol ng anti-crime program ng gobyernong Aquino? Bakit tila kanya-kanya na lamang ng diskarte ngayon ang bawat Pilipino para mabuhay nang normal na malayo sa karahasan.
Siguro naman, Mr. Executive Secretary Jojo Ochoa, ang itinalaganÂg crime czar ni PENoy, hindi na bunga ng imahinasyon ng mga Pilipino ang kaliwa't kanang krimen katulad ng nais mong isaksak sa aming mga isip?
Kaya 'di ko masisi ang ilang sektor na muling mag-ingay sa panawagan na ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.
Ang nakakatawa sa gitna ng lumalalang krimen, ginawa pang lame duck ngayon si PNP Chief Nick Bartolome ng palasyo ng Malakanyang at pinagpagÂretiro nang maagÂa. Kung kailan pa kailangang-kailangan ang kanyang pamamahala sa ating mga pulis ay tsaka pa siya binabalewala.
Panahon na muling pulutin ang mga pira-pirasong pagkakamali at sama-samang buuin para sa maagang solusyon ng kriminalidad. Dapat ay walang puwang ang agam-agam at makatulog lahat ng mamamayan nang mahimbing.
Madaling mapaikutan ang mga natutulog sa pansitan.
Lord, Kayo na po ang bahala.
Linkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=57718.0