Daily Bible Verse

Provided by Christianity.com Bible Search

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Author Topic: Chismis at cheeseburger  (Read 583 times)

Votives

  • EXPERT
  • ***
  • Posts: 1291
  • bisan unsaon, votives lang gihapon...
    • View Profile
Chismis at cheeseburger
« on: November 12, 2012, 08:11:51 AM »
Nalutas na rin ng Cri­minal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang kaso ng pagdukot at pagpatay sa modelong si Julie Ann Rodelas noong mada­ling-araw ng Nobyembre 6.

Sa bibig mismo ng kaibigan ng biktima at kapwa modelong si Althea Altamirano napag-alaman ng mga imbestigador ng CIDU na “chismis” ang pinagmulan ng pagdukot kay Rodelas dahil hindi nagustuhan ni Altamirano na ipinagkakalat na may dalawa na itong anak.

Totoo namang may dalawang anak na si Altamirano pero hindi pa rin niya gustong pinagsasabi ito ni Rodelas sa mga kasamahan sa modelling kung kaya naikwento niya ito sa boyfriend na si Fernando Quiambao Jr.
Si Quiambao ang nagboluntaryo sa pagdukot kay Rodelas para turuan ng leksyon at hindi naman inakala ni Altamirano na papatayin ang kanyang kapwa modelo ilang oras matapos dukutin sa malapit sa World Trade Center sa Pasay City habang naglalakad ang magkaibigan.

Sa 18th Avenue sa Murphy, Cubao itinulak papa­labas ng itim na Mitsu­bishi Montero (TWO-505) si Rodelas at doon ay binaril gamit ang 9mm na pistola bandang 5:30 a.m. ng Nobyembre 6 pero kinabukasan pa nalaman ng pamilya ni Rodelas ang sinapit ng modelo.

Isang resibo ng dalawang cheeseburger meal na hindi pa nakakain ang nakuha sa bangkay ni Rodelas at ito ang naging dahilan para matunton ng mga imbestigador ng CIDU ang video footage sa McDonald’s United Nations Avenue branch kung saan nag-drive-thru si Quiambao gamit ang itim na Montero bandang 2:33 a.m. o dalawang oras pagkatapos dukutin ang biktima.

Na-trace naman ng CIDU na pinamumunuan ni Chief Insp. Rodelio Marcelo ang plakang TWO-505 na nakare­histro sa ina ni Quiambao kaya madaling natunton ang bahay ng mga Quiambao sa Quezon City.

Nagsagawa na ng surveillance ang mga ele­mento ng CIDU sa pangu­nguna ni Inspector Elmer Monsalve at nakita sa bahay ng mga Quiambao ang itim na Montero na ginamit sa krimen.

Noong Sabado ng hapon (Nobyembre 10) may lumabas na itim na Toyota Innova sa bahay ng mga Quiambao at nang sundan ito ay patu­ngong Apalit, Pampanga kung saan naroroon ang ancestral house ng mga Quiambao.

Naging matagum­pay naman ang tatlong araw na surveillance at stakeout ng CIDU dahil noong 6 p.m. ng Sabado ay nahuli nila sina Quiambao at Altamirano na agad namang bumigay at nagkuwento sa mga im­bestigador kung papaano naging mitsa ng buhay ni Altamirano ang ikinalat na chismis ni Rodelas.

“Pumayag lang po ako na turuan lang ng leksyon. Di ko akalain na papatayin,” anang 23-anyos na si Altami­rano habang kinakapa­nayam ng mga reporter noong Sabado ng gabi sa Pampanga.

Bago pa man umamin si Altamirano ay pinagdudahan na siya ng mga imbestigador dahil sa sirkumstansya ng pagkakadukot kay Rodelas at maging ang kanyang inisyal na reaksyon nang mangyari ang krimen.

Hindi rin humarap sa mga imbestigador ng CIDU si Altamirano at sa halip ay nagtago dahil sa umano’y matinding takot para sa kanyang pamilya at sa kanyang sarili.

Kung chismis man ang naging mitsa ng buhay ni Rodelas, cheeseburger naman ang na­ging daan para malutas ng pulisya ang kanyang pagkamatay.

Mabilis na matatahimik ang kaluluwa ni Rodelas dahil sa mabilis na pagkakalutas ng kanyang kaso ng mahuhusay na imbestigador ng CIDU.


Linkback: https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=57479.0
Think wisely before you speak and listen intently to the people with fruit on the tree. Break down the barrier of stubbornness and pride otherwise you'll always be a part of the crowd..

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts

Tags:
 

CLICK THE IMAGE BELOW for ALL YOUR TRAVEL NEEDS
trip travel coupon discounts