Hindi rin anya nagtataka si Pinalas kung bakit nagkaroon ng “lunch meeting†si Escudero at si Vice-President Jejomar Binay. “Si Chiz ang isa sa mga arkitekto ng NoyBi o Aquino-Binay coalition nung 2010 na kung saan tinalo ni VP Binay si Mar Roxas. Ilang linggo bago lumabas ang desisyon sa kasong disqualificatiojn laban kay Poe, nagkita at nananghalian umano sina Escudero at Binay. “Eto ba ay di sinasadya o mayroon talagang namuong usapan sakaling madiskwalipika si Grace?
Kung manalo naman si VP Binay at si Chiz, si Chiz ang papalit na pangulo kung sakaling matanggal sa pwesto si VP dahil sa issue ng katiwalian,†sambit pa ng propesor. Sinabi din ni Pinalas na tila “Trojan Horse Politics†ang uri ng pulitika ni Chiz dahil tila malikot at patago ang kanyang mga galaw sa pulitika.



















