Nananawagan po ang BHW Party-list sa IATF na proteksyunan ang barangay health workers (BHWs). Bukod kasi sa panganib na mahawa ng COVID-19, hinaharap din ng BHWs ang galit at pagmumura ng ilang taumbayan dahil sa mga problema sa implementasyon ng Social Amelioration Program.
Sapagkat ang BHWs ang nagbabahay-bahay upang maihatid ang primary care services sa komunidad, hindi maiiwasang sila ang napagbubuntunan ng sisi at napagbubuhusan ng galit ng mga kabarangay nilang hindi kasali sa listahan ng mga makakatanggap ng ayudang SAP.
Kahit nga po ang ibang BHWs ay hindi pa rin nakakatanggap ng SAP bagaman eligible silang makatanggap ng SAP ayon sa tagubilin ng DSWD Memorandum.
Seryoso po ang reports na natatanggap ko at nangangamba po ako para sa seguridad ng mga BHWs. Sila na nga itong nagmamalasakit sa komunidad sa kabila ng kawalan ng regular na sahod (allowance lang), sila pa itong naiipit sa pagitan ng DSWD-LGUs at nagugutom na taumbayan.
PAG-RELEASE NG AMELIORATION PAY AT RISK ALLOWANCE, PAKI-BILISAN PLEASE
Bilang kinatawan ng mga barangay health worker sa Kongreso, lumiham ang BHW Party-list kina DSWD Secretary Rolando Bautista at DILG Secretary Eduardo Año. Hiniling namin kay Secretary Bautista ang release SAP para sa BHWs, habang pinaaalala namin kay Secretary Año ang release ng Special Risk Allowance (SRA) para sa BHWs.
Nakikiusap rin kami sa mga kagawaran na bilisan ang pag-release ng SAP at SRA para agarang maramdaman ng taumbayan ang ayuda sa gitna ng kasalukuyang krisis. Makumbinsi sana ng IATF ang mga nakaka-angat na lungsod at bayan (1st, 2nd class cities & towns) na bigyan na ng Special Risk Allowance ang kani-kanilang barangay health workers alinsunod sa Administrative Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matulungan rin sana ng DBM ang mga mahihirap na bayan (3rd, 4th, 5th, and 6th class municipalities) para matustusan ang pagbibigay ng agarang SRAs sa kani-kanilang BHWs.
Batid naming nai-download na ng DSWD ang SAP funds sa mga LGUs at ilan sa mga LGUs ay nagsimula nang mag-release ng SAP sa mga mamamayan. (END)
*WORK from HOME and START YOUR OWN blog site, business or personal website, or e-commerce store at
www.dreamhost.comSitemap:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?action=sitemapRSS Feeds:
https://feeds.feedburner.com/tubagboholTweets:
https://twitter.com/tubagboholcomLinkback:
https://tubagbohol.mikeligalig.com/index.php?topic=103522.0